W.A*b2-31 Kendry Mula sa monitor ni Joshua, nakita ko kung gaano kasaya sina Andrew habang nakaharap ito kina Enrique at Celen. Sayang walang halong pagkukunwari… panahon na para malaman niya ang buong katotohanan at tatanggapin ko ang mga consequences pagkatapos nun at ang kanyang maging pasya. “Joshua, ikaw na bahala dito, make sure na hindi bibigay ang mga barrier natin.” I faced Matt, “Bantayan mo si Erick.” Matt nodded. Lumabas na ako sa control room at nilapitan ang grupo. “Andrew, follow me.” Sabi ko at nagpatiuna na sa likuran, naramdaman ko si Andrew sa likod ko. “Andrew, may dapat kang malaman tungkol sa pagkamatay ng mga magulang mo.” I started. “Hindi ang Wolf Gang ang pumatay sa mga magulang mo.” He looked shock. “Sino?” “Black Dragons.” Pag aamin ko. “Ang grupong tumul

