W.A*b2-23 Andrew Nasa loob kami ng Control Room kasama sina Alico, Bello, Celon at Dellio. Nakakatawa ang mga pangalan nila, pero sympre hindi ko iyon pwedeng i-voice out kung ayaw kong mabalian ng buto. “Gutom na ako.” Si Bello. “Matagal paba sila?” tukoy nito kina Joshua, Enrique at Kendry. “Pwede ka ng kumain, baka sa dining hall na sila kakain.” Sagot ko. “Bakit ngayon mo lang sinabi!” reklamo kaagad nito at binuksan na ang takip na nasa mesa. Nangunot ang noo ko, ng makita sa labas ang isang binatilyo na winawagayway ang mga kamay, wala kasi silang access sa loob. “Look at him.” Sabi ko sa kanila. “May gusto siyang sabihin.” Si Dellio. “Sandali ako na ang lalabas.” Presenta ni Dellio. Inamoy amoy na ni Belle ang pagkain, “Hmm, sarap naman ng amoy! Kainan na!” “Nagutom din tul

