W.A*b2-25 (P.2) Kendry "Diyos? nagpapatawa kaba Lance? Diyos? Diyos?!" singhal ko sa kanya at sinuntok siya sa sikmura. Umugat ang noo niya sa pagpitigil na mapasigaw. "Wag kang mag alala dahil makakasama na ng kapatid mo ang Diyos na sinasabi mo!" "Hayop ka Kendry!" "Dapat matagal mo ng alam 'yon Lance. Pinilit kong magbago, pero ibinalik mo ako sa dating ako! kaya pasensiyahan nalang tayo! tingnan mo mabuti, pagmasdan mo mabuti! at tingnan mo ako, ganito ako ng makilala mo diba? walang puso! walang awang pumapatay sa mga hindi sumusunod sa gusto ko? pwes ipapakita ko iyon ulit sayo!" iniharap ko ang mukha niya sa kapatid niya at tinakpan ang mga bibig niya. "Idilat mo ang 'yong mata at wag na wag kang kukurap! dahil huling pagkakataon mo nalang ito para makitang buhay ang kapatid mo!

