W.A*b2-27 Jinky Collins as Wolf “Wolf, susugod tayo sa WEDA!” sabi ni Samantha sa akin. “Tapos na ang trabaho namin sayo Samantha, at amin narin ang lugar na ito gaya ng napagkasunduan kaya hindi kami basta basta susunod nalang sa gusto mo.” “Ikaw! Trinaydor mo ako! Buhay pa ang wild angels!” nanlilisik ang mga mata niya sa galit at kinasa ang baril, tinutukan niya ako. “Sabihin mo sa akin ngayon kung bakit buhay pa ang wild angels!” “Wala akong alam sa sinasabi mo, parehas nating nakita ang nangyari at nasaksihan mo rin ang pagkawala nila.” Matapang na sagot ko. “Kaya ‘wag mo akong pagdududahan Samantha!” “Hindi ko na kayo kailangan! Mga wala kayong kwenta! Mga inutil!” singhal niya at lumabas na ito. Lumapit sa akin ang kanang kamay ko at sumenyas ito na ang ibig sabihin ay “Hindi

