Eight years after…
Tumatagaktak ang aking mga pawis mula sa balumbunan ng aking ulo pababa sa aking katawan habang pinagpapalit-palitan ko ang magkabila kong kamao sa pagtira ng punching bag dito sa in-house gym namin. Determinado akong palakasin at patibayin ang aking mga buto at muscles ng sa gayo’y hindi ako basta-basta na lamang matatalo kapag dumating tayo sa punto ng alanganin.
Kailangan ko ng maging malakas para protektahan ang aking sarili lalo na ngayon at nag-retire na sa kumpanya ang aking mga magulang. At bilang natatanging anak, ako ang pumalit sa pamamalakad at pagpapatakbo nito.
My parents are now enjoying themselves with the serenading beauty of Palawan, a rich island of the Philippines in terms of marine biodiversity, kung saan isinilang at pinalaki ang aking mommy bago siya lumipat dito sa New York at makilala ang aking daddy. Sa edad nila, they really deserve retirement. Hindi naman pwedeng ialay na lang nila ang natitira nilang mga araw sa mundo sa pagtatarabaho. Kailangan na rin nilang mag-relax at mamuhay na walang inaalalang mabigat na responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat.
Muli kong isinuntok ang aking kamao sa punching bag sa panghuling beses bago ako maupo sa bench. Serysoso, my body needs to rest and recharge for a while. Inabot ko ang isang bote ng tubig sa may paanan ko at tsaka tinungga ng diretso. Ika nga nila, walang preno-preno sa taong kasing uhaw ng kabayo.
“Herena!” Sa kalagitnaan ng aking pamamahinga ay narinig ko ang pagtawag sa aking pangalan mula sa labas ng gym na ito. Halatang papalapit ang boses na yaon.
Pagkuwa’y bumukas ang pintuan at ilinuwa nito ang bagong gising pa lamang na pinsan ko… and guess what, nakasuot pa ito ng ternong SpongeBob Pajamas. Kalalaking tao tapos ganito.
“Alexis?!” asik ko. Seriously, for Pete’s sake… lagpas tanghali na tapos hindi pa siya naliligo at nakapantulog outfit pa talaga siya. Hindi naman na siya bata pero kung umasta siya parang kasing edad niya lang ang mga highschoolers. Sa katunayan niyan ay nasa dalawampu’t pitong (27) taong gulang na ito, limang taong mas matanda sa akin.
“Easy pinsan. Alam ko nanaman ang iniisip mo,” ani nito bago naupo sa tabi ko.
“Ambaho mo.” Pakunwari ko namang tinakpan ang aking ilong. Kailangan na rin talaga niyang maturuan ng tamang asal sa pagliligo. Tila naman naalarma siya sa sinabi ko at bahagyang inamuy-amoy ang sarili. Hindi ko na mapigilang mapaismid sa nakikita ko.
“Hindi naman ah. Mabango pa rin ako pinsan. Huwag ang ilong ko ang lokohin mo,” sabi nito sabay ngisi na siyang nakapagpalitaw ng kanyang magkabilaang dimples. Fine. Busted na agad ang kasinungalingan ko. In fairness, ang ganda ng lahi namin ah. Hindi ko maiwasang maisip habang pinapasadahan ng tingin ang pinsan kong late magising.
So, ano kaya ang sadya ng mokong na ito rito. Tinaasan ko siya ng isang kilay para tahimik siyang tanungin kung ano ang pakay niya o kung ano ang nais niyang sabihin at talagang nagawa niyang disturbuhin ang pag-eensayo ko.
“Hep! Don’t give me that look. Alam ko namang sobrang importante para sa’yo ang ibabalita ko,” masigla nitong sabi at tsaka linabas ang kanyang iPhone 11.
Hinayaan ko na lang siyang kalikutin ito habang nakatingin ako sa kisame at napapaisip ng mga bagay-bagay. Napabalik ako sa ulirat nang muli siyang nagsalita. “Sa wakas, ang taong hinahanap mo ay nagpakita na rin,” medyo natatawa pa nitong sabi.
Hinablot ko na sa kanya ang mamahalin niyang selpon to see for myself kung ano man ang tinutukoy niya. At halos tumigil ang pag-ikot ng mundo kasabay ang biglaang pagbilis ng takbo ng aking puso. Sa aking harapan ay nakatambad ang isang headline ng pangalan na matagal ko ng nais makita walong taon na ang nakararaan.
“Dexigrous Group of Company finally welcomes its new CEO, Calix Cole Dexigrous,” basa ko sa naka-bold na title ng article sa New York Times.
Nagbalik na siya. I mean, nagpakita na siya sa publiko. Matapos ang mahabang taon ng pagtatago niya, napagpasiyahan na rin niyang bumalik sa limelight at hindi ko inaasahang sa ganitong pagkakataon ko siya matatagpuan.
Napatingin ako sa litrong naka-attach sa baba ng lathalain. Nag-mature na rin talaga ang katawan niya into a manlier version compared noong mga teenage days pa namin. Sa kabila nito, tila ba wala namang nagbago sa kayang gwapong mukha liban na lang sa pagma-mature nito. Medyo lumapad na rin ang kanyang balikat at tsaka mas na-develop ang mga muscles sa braso niya. Animo’y nahihirapan ang mga butones ng kanyang kulay puting white polo sa pag-contain ng kung anumang tumbok sa loob. Gosh! Hindi ko maiwasang mapalaway sa kabuuan niya.
Bahagya akong napalunok bago ko ituloy ang pag-scroll down ng article post para ipagpatuloy ang pagbabasa… ngunit hindi ako nakatakas sa pang-aasar ni Alexis sa akin sa mahaba-habang minuto ko raw na pagtitig sa larawan. Malamang ineng, ilang taon ko na rin siyang di nakikita kaya natural lang na titigan ko siya ng matagal di’ba.
‘A bachelor on his twenty’s oath to dedicate all his might in making Dexigrous Empire maintain its title as the most successful and influential business industry in the global market,’ dagdag ko pang basa sa news article.
Of course, he will. Si Calix pa ba. The school smart kid. I wonder kung hanggang ngayon ay tamad pa rin siya. Hmmm…
Napatigil ako sa pagbabalik tanaw ng nakaraan nang magsalita ang aking katabi. “Ano ng balak mo?” tanong ni Alexis. Oo nga naman. Ano na garud ang next step ko ngayong alam ko na kinaroroonan niya? Bahagya akong nag-alinlangan sa magiging desisiyon ko. Itutuloy ko ba ang plano kong pagbabalik ng lugar ko sa puso niya o hihinto na lamang ako at kakalimutan ang lahat.
Sa kabila ng malalim kong pag-iisip ay tila ba narinig ko ang sarili ko ring boses. Ba’t ngayon ka pa titigil ngayong nahanap mo na siya? Hindi ba’t siya ang pinakadahilan kung bakit ka nag-ensayo at nag-aaral ng mabuti. Iyon ay para tumbasan ang katayuan niya bilang isang mahalaga at makapangyarihang tao sa lipunan.
Hindi ko namalayan ay may na-click pala akong link sa ibaba ng article na siyang nag-redirect sa akin sa official website ng Dexigrous Empire. At sa pinakaunang page pa lang ay may malaking banner ang nakapaskil:
‘URGENT HIRING: CEO’s Secretary. Apply now!’ ani ng announcement.
Awtomatiko namang napakurba ang aking mga labi para ngumisi. Ano ba? Tadhana na rin mismo ang gumagawa ng paraan para isakatuparan ko ang aking plano walong taon na ang nakararaan. So, ba’t ko pa ito aatrasan di’ba?
Nakaramdam naman ang pinsan ko at ipinarinig ang saloobin niya. “Parang hindi ko nagugustuhan ang implikasiyon ng mga ngiting iyan ah.” Inagaw niya pabalik sa kanya ang mamahalin niyang iPhone 11 upang tignan ang dahilan ng reaksiyon ko. “Don’t tell me mag-a-apply ka rito?” Hindi makapaniwala niyang tanong.
“Tama nga hula mo. Nice guess,” tangi kong sagot tsaka naglakad palabas ng pintuan.
“Herena, it’s dangerous! Delikado ang binabalak mo!” rinig ko pa ang pahabol niyang sigaw mula sa loob. Yeah, I know. Mas kumplikado na ang mga bagay-bagay ngayon pero aminado akong kakayanin ko ito. Besides, hindi naman na ako ang dating patpatin at weakling na Herena. So, I think I can stand on my feet now.
Mabilis kong tinawagan ang personal assisstant ko na siya ring secretary ko sa kumpanya na ihanda ang mga kakailanganin kong mga papeless sa pagsasakatuparan ng aking plano.
Una, kailangan ko munang makapasok bilang sekretarya niya. And to do that, I will need a completely new fake identity. What name should I pick? Bigla akong may naalalang pangalang nabasa ko noon sa isang libro… Hmmm...B-Bliss...Ferna...to. Oh yes, Bliss Fernato. Tinext ko na kay Lyra ang pangalan nais kong ilagay niya sa mga pekeng papeless ko.
Great! Uusad na talaga ang ‘operation to restate my place in his heart again’ ah.
Tama. Kailangan ko munang makapasok sa buhay niya sa ikalawang pagkakataon kahit gamit ang ibang pangalan. Mainado akong hindi niya ako basta-basta papapasukin sa kanyang buhay muli kung malalaman niya kaagad ang katauhan ko.
Maaaring takot siyang madamay ako sa gulo ng kanyang buhay kagaya ng sinabi niya noon o maaari rin namang tapos na siya sa akin at wala na siyang ni katiting na nararamdaman para sa akin kaya ayaw na niya akong makita pa. Alin man sa dalawa, kailangan kong malaman ang sagot niya. I need to know. Only then, I can actually have a piece of mind or perhaps magawa ko na ring magka-interest sa iba, kung hindi papalarin.
Isa pa, isa rin akong CEO kagaya niya kung kaya naman ay hindi ko afford na gamitin ang tunay kong pangalan. Mabuti na lang talaga at hindi ako ganoong uma-attend sa mga parties at business gatherings noon kaya naman walang masyadong nakakikilala sa akin. At tsaka kamakailan lang din akong pumalit sa pwesto nila mommy at daddy.
Matapos kong masiguro ang maayos na pagsasaayos ng mga kakailanganin kong papeless sa application ko for secretary ay kaagad na akong nagtungo sa pinakamalapit na branch botique ng aming kumpanya- ang Devaraux Clothing Line. Isa pa lamang itong bagong kauusbong na kumpanya ngunit patuloy itong lumalaki at lumalawak taun-taon kung kaya naman ay mako-consider na rin siyang rising companies at malapit na ring makipantay sa estado ng mga naglalakihang kumpanya kagaya ng Dexigrous Empire.
Pagkabalik ko sa bahay ay diretso kong binagsak ang mga paperbags na pinamili ko sa sahig at tsaka nahiga sa kama. Excited na talaga ako bukas. Tila ba isang napakalaking event para sa akin ang job interview na dadaluhan ko.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata para matulog dahil sa sobrang kapaguran ngayong araw nang biglang nag-vibrate ang aking selpon na nakalapag sa lamesa. It was my personal assistant who’s calling. Sinagot ko ito at tinapat sa aking tenga.
“Good evening ma’am. My apology. Hindi pa po natatapos ang mga pinapaayos ninyong mga papeless but I’ll definitely have it delivered to you by tomorrow morning,” anito sa kabilang linya.
“It’s okay Just send me the documents before 9 am,” sabi ko na lang. By 10 am kasi mag-ii-start ang interview bukas. Having that sorted out ay pinatay ko na ang tawag. Balik na ulit ako sa pagkahimlay ngunit hindi nagtagal ay may istorbo nanamang dumating.
May kumakatok sa pintuan ko at tanungin ko man o hindi, alam na alam ko na kung sino iyon. Tatlo lang naman kami rito sa bahay. Ako, ang aking pinsan, at tska si manang na siyang tumutulong sa aming gawaing bahay habang pareho kaming nasa trabaho.
“Alexis!” Halos nabubugnot ko ng sambit sa pangalan niya. Wouldn’t everyone just let me sleep please?
Sa kabila ng panunuway ko ay nagpumilit pa rin ang mokong. “I’ll come.” With that being said, bumukas ang pintuan ng aking kwarto at tsaka pumasok siya.
“Whoa!” Gulat na gulat ito sa dami ng mga damit na pinamili ko. “Seryoso ka na talaga sa pagiging sekretarya ah,” pang-aasar nito.
“Alexis, pwede ba… hayaan mo na akong matulog?” pagmamakaawa ko. Wala na akong energy para makipagsabatan pa sa kanya.
“If you’re going to work there, how about the company? Sino na ang mamamahala?” pag-aalala nitong tanong.
This time, turn ko na rin para ngumisi. Kanina pa kaya niya ako dinidistorbo. Oras na para gumanti.
“Of course, ikaw muna papalit. Now leave. Good night,” huli kong sabi at tsaka pinikit ang aking mga mata. Bahala na bukas.