CHAPTER 4

1491 Words
Hirap na hirap akong nag-akay kay Davion patungo sa parking ng kotse nya. Matapos kong magpaalam kina Mc ay sinabihan nya kong doon na magpalipas ng gabi. Hindi ako pumayag dahil marami pa akong gagawin para bukas. Alam ko at nararamdaman kong iba ang pagtinging iginagawad sa akin ni Davion. Hindi ako bulag o manhid. Oo, crush ko sya pero hindi sa point na gusto ko sya. Hinahangaan lang, at kung ano man yung tinging ipinapakita nya. Sana mali ako, baka naman nagagandahan lang talaga sya sa akin. Ganda ko talaga. Oo nga, baka assuming lang ako. Imposible, ikakasal na to e. Nang maipasok ko si Davion sa passenger seat ay kinuha ko ang susi sa bulsa nya. Nang makuha ko iyon ay isinara ko na ang passenger seat. Nag-unat unat muna ako bago tumingin sa paa ko. Hinubad ko ang sandals ko at nag-apak na lang, medyo kumikirot na rin kasi. Pumunta na ko sa driver’s seat. Napatingin ako kay Davion na ngayon gitata na sa upuan. Lumapit ako sa kanya para sana kabitan sya ng seatbelt ngunit bigla syang mumulat. Dun ko lang narealized na sobrang lapit ko pala sa kanya. Isang maling galaw lang ay lalapat na ang mga labi namin. Dahan-dahang lumalapit si Davion. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa. What’s happening to me!? Damn you, Mavarina! Kailangan ko na talagang magpacheck-up hindi na normal ang pulse ko eh. Parang nanalo sa lotto sa sobrang gustong kumawala ng puso ko. Madiin akong napapikit ng marinig ko ang malakas na pagtawag ng Uwak. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi natuloy ang halik na hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan. Masakit lang yung paa ko kaya’t hindi ako makagalaw? Agad ding nagbago ang pinta ng mukha ko ng marealized ang nangyari. Si Davion. Sumuka? Sa dibdib ko. Dahan-dahan akong napayuko at nakita ang ginawang kalat ng putanginang Davion to!!! Agad akong umalis sa harapan nya at bumalik sa pakaka-upo sa driver seat. Mabilis pa sa ikot ng ipo-ipo kong pinaharurot ang sasakyan. Nagdidilim ang paningin ko. Pag hindi ako nagmadali ay baka ihulog ko ang taong to sa daanan. Nang makarating sa bahay ko ay bumaba ako ng sasakyan at binuksan ang passenger seat. “Akala mo aakayin kita? Pagkatapos ng ginawa mo sa akin? Tingnan natin. Ha!” parang tangang pagkausap ko dito. Nang matagtag ko ang seatbelt nya ay walang pakundangan kong hinawakan ang buhok nya at kinaladkad papasok sa bahay. Tanging ungot lang ang naririnig ko sa kanya at parang tanga lang syang nagpapatianod sa hila ko. Nang tuluyan akong makapasok ng bahay ay pabalang ko syang itinapon sa sofa. Lagabog naman si tanga. Sumasakit na nga ang paa ko. Ambaho at anlagkit ko pa dahil sa suka ng hayop na to. “Dyan ka lang! subukan mo lang na maglikot dyan. Papatulugin talaga kita sa labas ng bahay.” sabi ko kahit hindi ko sigurado kung naririnig nya ba ko. Umakyat na ko sa kwarto ko at hinayaan ko syang nasa sofa. Dali dali akong pumasok ng banyo. Para ano? Para maglinis ng yawang suka to. Nang matapos akong maglinis ng katawan ay lumabas na ko ng banyo. Naka bathrobe lamang ako dahil wala akong dalang damit sa loob ng banyo. Halos mamatay ako sa gulat ng may makitang taong nakahiga sa kama ko. Davion!!? Napatingin ako sa pintuan at nakabukas iyon. Dali-dali akong lumapit kay Davion at hinigit ito sa braso. Ngunit sadyang sobra ang lamang nya sa bigat at lakas. Pumitlag sya at binawi ang braso nya dahilan para ma-out balance ako at mapadapa sa kanyang bisig. Walang humpay na paghuhuramentado na naman ang ginawa ng puso ko. Dahan dahan akong gumalaw para makaalis na sa pwesto ko ngunit biglang hinigpitan ni Davion ang pagkakahagpos sa akin. Tumagilid pa ito paharap sa akin at idinaklay ang mga mahahaba nyang kalis sa likod ko. Ano palagay nya sa akin? Unan? Mas kagimbal-gimbal ang natuklasan ko. Yung ano… yung… ispada nya… nasa tagiliran ko. Mama!!! Pinipilit kong gumalaw para maka-alis sa pwesto ngunit mas hinihigpitan nya ang akap sa akin. Inilapit pa nya ang mukha sa akin at… wahhhh!!!! Sininghot nya ang leeg ko na naghatid sa akin ng milyon-milyong bultahe sa katawan ko. Ano bang palagay nya sa akin? Pabango? Well, mabango naman talaga ko. Wala na akong choice kundi ang only way para makaalis dito. Siniko ko ang tiyan nya dahilan para mamilipit sya sa sakit at umikot pakabila. Dali dali akong tumayo. Hindi pa ko nakuntento ay sinipa ko ang tuhod nya na agad kong ikinasisi dahil masakit sa paa ko. Iika-ika akong lumapit sa cabinet at kumuha ng light pink silky night dress ko. Pumasok ako sa banyo at duon ipinagpatuloy ang pagbibihis. Nang makalabas ako ng banyo ay tinarayan ko ang tulog na tulog na si Davion sa kama ko. Ako na ang maga-adjust nakokohiyo nomon! Lumabas ako ng kwarto ko at dahan dahang inilapat ang pinto naginat-inat pa ko saka lumipat ng kabilang kwarto. Sa guest room na ko matutulog dahil nakakahiya naman sa bwisita ko! Tiningnan ko ang alarm clock sa gilid ng kama at nakitang saktong alas-tres nang madaling araw. Sinet ko iyon ng alas sinco ng umaga at mabilis na nahiga. Two hours na lang ang meron ako para matulog, sabaw na naman ako nito sa opisina. Nang magising ako sa tunog ng alarm clock ay mumukat-mukat pa ko sa sobrang kulang ng tulog ko. Agad akong bumangon at naghilamos. Nagmouth wash na lang din ako dahil tinatamad pa ko magtoothbrush. Sinilip ko saglit si Davion sa kabilang kwarto. Ang hayop na iyon! Payapang payapang natutulog. Gulo-gulo na din ang kama ko. Tahimik akong bumaba at pumunta sa kusina. Nagluto ako ng breakfast. Aba syempre! Nakakahiya naman sa bwisita ko e. Nagluto na ako ng bacon, egg, hotdog, ang fried rice. The most usual and easy to cook breakfast. Nang makapaghayin ako ay wala pa ring Davion ang bumababa. Hindi ko ine-expect na magising sya ng maaga dahil lasing na lasing ang hinayupak. Nang matapos akong kumain at wala pa ring Davion ang nagpapakita ay tinakluban ko na lang ang pagkain at umakyat sa kwarto. Naghanda ako sa pagpunta ng opisina. Bago ako lumabas ng kwarto ay kinuha ko ang sticky notes ko sa drawer. I wrote a message for Davion. Ibinilin kong isara na lang ang bahay pag aalis na sya. Automatic namang nagla-lock ang pinto nun sa labas once na lumapat. Alas otso na ng umaga nang umalis ako sa bahay. Matagal kasing bumyahe minsan ng umaga dahil sa traffic kaya minsan ay lampas alas nwebe na ko nakakarating ng opisina. Napili ko na lang ang magpatugtog kesa sabayan ang ingay ng busina ng ibang sasakyan na akala mo ay mapapa-alis nila ang sasakyan sa unahan nila kapag ginagawa nila iyon. Nang makarating ako sa MC ay ako na lamang ata ang kulang bukod kay Cha-cha. Pumasok ako ng opisina ng makita kong naroon ang Tito at prenteng nakaupo. “Catalina, hija. Pasensya na kung wala akong pasabi. Napadaan lang rin ako.” Bungad ni Tito. Ngumiti ako at nagbeso bago umupo sa swivel chair. “Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo at napadaan kayo?” tanong ko. Hindi naman kasi usually may dumadalaw dito na kamag-anak. Bihira lang, busy rin kasi sa mga personal na buhay. “I just want to check on you. And also to invite you.” Pagkasabi non ay iniabot nya ang maliit na pink envelope. Tiningnan koi yon at nagtatakang tinanggap. Isa iyong birthday party. 23rd birthday ng isang unfamiliar na tao. Tiningnan ko ng may pagtataka si Tito. Bakit naman ako maiimbita sa kaarawan ng taong ni minsan ay hindi ko nakilala. “Uh, you know me and your dad are best friends. Kaya nga sila nagkakilala ng mommy mo eh. Dahil sakin.” Tumango lamang ako at hindi parin nasasagot ang katanungan sa utak. “Anak sya ng isa sa mga kaibigan namin noon. Matalik na kaibigan, hindi ako makakapunta kaya’t nagbabakasakali ako na pwede kang maging representative ko.” paliwanag niya. “Why not sa anak mo tito? I’m sure they’ll get that.” Pabalang na tanggi ko. marami pa rin akong trabaho, well yung sa kasal pa lang naman ni Davion Lafrente ang tutok ko ngayon. “You know them too much, alam mong hindi nila tatanggapin yan.” Sagot nya. Hell yeah, alam ko. nagbabakasakali lang rin. “But-” “No buts please, hija. Minsan lang naman to,” Putol niya sa akin. Huminga ako ng malalim saka tumango. Nahiya na rin kasi ako tumanggi. Nakangiti nang magpaalam si Tito. Napabuntong hininga naman ako dahil walang magawa. Kinuha ko ang telepono at kinontak ang numero ni Hera. Sa kanya ko na lang siguro ipagkakatiwala ang pakikipagusap sa kliyente tungkol sa surprise wedding na gagawin. Kahit naman kasi madaldal at bungangera yun. Mapagkakatiwalaan naman sya sa mga ganitong bagay. She’s very professional when it comes to this case. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD