CHAPTER 1

1908 Words
"Good morning miss Mavi," karaniwang bati ng mga impleyadong nadadaanan ko. Nginingitian ko na lamang sila minsan ay binabati ko rin sila pabalik. Kauupo ko pa lamang sa upuan ko ay tumunog na agad ang telepono. Buhay nga naman, bawal ba magrelax muna? Hindi joke lang. "Yes, this is Mavarina Catalina speaking," bungad ko sa taong tahimik lamang sa kabilang linya. *kroo*kroo* "Hello? How may I help you?" I patiently wait kahit na nauubos na ang pasensya ko. Ang aga para masira ang araw ko. "S-sorry," Saad nito. Tatawag para mag-sorry? May utang ba to sa akin at napakaganda ng bungad. Hindi to suplungan ng kung ano at kailangang humingi ng tawad. I sighed and waited for the man to speak again. Baka kasi masigawan ko pa, pag nagsalita pa ko. "I mean, I'm planning to do a surprise wedding for my girl. A cousin recommended your service, I'm going to ask if you can take it." Sagot nya. Agad na lumiwanag ang mukha ko. Kontrata mare! Ansabi daw? Itatanong nya kung kukunin ko? Aba syepre! Sino ba naman tatanggi sa grasya? "Yes Sir! My company never says no for an answer. Can you tell me sir, when is the exact date of the wedding." Agaran kong tanong. "Can we talk about it not on the phone, I also need my cousins opinion for this." Aniya. Nakangiting tumango-tango naman ako kahit hindi nya naman ako nakikita. "Sure sir, just tell me the address of our meeting place." kumuha ako ng papel at ballpen at agad na isinulat ang address na ibinigay nya. "Sa bahay lang yan Miss Mavi, it's an subdivision. Just ask the guard for Mr. Davion Klein Lafrente," pagpapaliwanag nya. Syempre alam ko naman yung kahit di nya ipaliwanag, malaki na ko kaya. Hindi ko na lamang pinansin yun at ngumiti kahit hindi nya naman ako nakikita. "Sure Sir, thank you," sabi ko na lang at ibinaba na ang tawag. Kalmado at nakangiti akong sumandal sa office chair ko. Did I miss to stutter? He's an celebrity and I have a bit crush on him. But that's nothing. It's just an happy crush. So he's now getting married huh? Sounds good. Carmela Dizon, I'm one of those people who admire these long time couple. Well some says, fake dating lang daw iyon dahil may karelasyon daw kuno etong si Davion na non-showbiz. Wala naman silang proweba, e ano sila ngayon? Ayan na ang Lafrente nyo magpapasakal na. Ay kasal pala. He's a singer, a great actor, and he's drop dead gorgeous. That's why I gave a bit crush on him. Kahanga-hanga kasi talaga ang kanyang buong pagkatao. Kung sa telibisyon nga lang titingnan ay masasabi mong isa syang perpektong nilalang. Syempre, hindi naman lahat ng tao perpekto. Ilang oras na rin ang lumipas at maga-alas dos na ng hapon. Hindi pa ko nakapapananghalian, tambak kasi ang mga kontrata at sponsorship na inaasikaso ko. Kung ano-anong papeles na kailangang pirmahan. "Madame, andyan po si Ma'am Xavrina," biglang sulpot ng isa sa mga impleyado ko. Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa gulat. "Ano ka ba, Precy!" gulat kong sabi. "Wag ka sabing manggulat, tsaka wag Madame, miss nga diba. Nagmumukha nga akong matanda e. Single pa lang ako at walang asawa nor anak. Kaya miss lang, okie?" Awkward naman syang ngumiti at napakamot sa kanyang ulo. Bumuntong hininga na lamang ako saka tumayo. Xavrina Jade Sandejas is a bestfriend of mine. She's one of the those hot celebrities, she just got married. 4 months ago, I guess. It was arrange but she clearly accept it, no buts. I was the one who planned and organized her wedding. I hate myself for that. I'm her bestfriend but I can't do anything about it. Subukan nyang saktan si Xavrina, kala ba ng lalaking iyon na wala kong alam sa mundong ginagalawan nya. Chinismis lang sakin ni Raman na dumalo raw iyon nung nagp-party ang XG sa Dicestres Island. Hanggang dun nga lang ang sinabi sa akin ni Raman, na dumalo iyon. -- Tiim bagang akong nakaupo sa harapan ni Xavi. Nagngingitngit sa galit dahil sa mga nalaman ko. Wala naman akong ibang magawa kundi ang magalit. "Kasalanan ko naman, Mavi. Pumunta lang ako rito para naman kahit na kasalanan ko ay alam ko paring may kakampi ako," aniya. Naiinis ako, kasi kahit alam kong nahihirapan sya sa sitwasyon nya ay pilit nyang ipinapakita na okay lang sya. Wala akong pake sa kung sino ang may mali, the fact na sinaktan nya ang kaibigan ko. Doon pa lang mali na sya. Sana man lang ay pinigilan nya ang sarili nyang magbuhat ng kamay. Hindi nya ba naisip na asawa nya si Xavi. "Xavrina. You should learn how to say no. How to fight back for yourself. Hindi pwedeng pagsinabing mali mo ay oo ka na lang o hihingi ka na lang ng tawad. Alam kong alam mo naman sa sarili mo kung sino ang mali pero kasi pagdating sayo, basta sinabing mali mo ay oo nalang. Sige mali mo na. Ipagtanggol mo naman ang sarili mo kahit minsan lang," saad ko. Umiling lang sya saka tumayo at naglibot sa loob ng receiving area. Tinitingnan nya ang paligid na ani mo'y nasa loob sya ng isang museo. "Ang hirap-hirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba," makahulugang sabi nya bago humarap sa akin ng may pilit na ngiti sa labi. "Call Mr. Lafrente and inform him that Ms. Salvacion is already here," sabi ko sa guard na on-duty ngayon. Tumango lamang ito saka humarap sa telepono. Andito na ako sa Subdivision patungo sa address na binigay ni Mr. Lafrente. Anong oras na rin ako nakapunta. Isiningit ko lang din ito dahil baka may gawin ako bukas. "Tuloy na ho kayo ma'am," saad nya. Tumango nalang ako kahit gusto kong umangal dahil Miss ako hindi ma'am. Huminga ako ng malalim saka lumapit sa gate ng bahay na tinukoy ni Mr. Lafrente. Dahan-dahan kong binuhat ang kamay ko at pinindot ang doorbell. Takbo!!! Biro lamang. "Ow! Good afternoon, Ms. Salvacion. Tuloy ka na, nasa loob na ang mga pinsan ko," bungad na saad sa akin ni Mr. Lafrente. Natulala pa akong sandali ngunit mabilis ring nakabawi. Nakita ko na sya sa personal ngunit hindi ganito kalapit. Hindi maipagkakaila ang ganda nyang lalaki. Ang mga ngiti ay laging nakakabit sa kanyang mukha dahilan para makatunaw ng kausap o kaharap nya. "Ms. Salvation? T-tuloy ka na," nauutal nyang saad at namumula ang kanyang mga pisngi. Damn he's more gorgeous when he blush. "Mas maganda ka pala talaga sa personal," naiilang ako sa sinasabi ng isa sa pinsan ni Davion. Maganda sya pero para syang isip-bata alam nyo ba yun? Sobrang open nya, walang preno ang bibig. Kung ano ang nasa isip nya ay yun ang sasabihin nya. I wonder, nakapagsinungaling na kaya sya? "Hoy! Blazy! Mahiya ka nga! Halika nga rito. Pasensya ka na sa pinsan kong to ha," sabi nung isang babaeng maputi at kitang kita ang hubog ng katawan sa suot nyang fitted dress. "Davion! Sabihin mo sa akin kung gusto mo na iatras ang kasal. Maiintindihan kita," biglang sabat ng lalaking gulo-gulo ang buhok na mukhang bagong gising. Medyo husky pa rin ang boses nya. Nakatanggap ito ng sapak mula sa ibang pa nyang mga pinsan. Ikaw ba naman magsabi ng iatras ang wedding, ewan ko na lang. Hindi naman basta basta ang pagpapakasal no. Itatali ka na sa taong dapat sigurado ka ng pang habang-buhay mo. Hindi yung pag nagbago isip mo ay iluluwa mo na. "Ano ka ba Cedrick! Matulog ka na nga lang ulit. Wag mo igaya sa desisyon mo sa buhay tong si Davion no," sabat nung mukhang pinakabata sa kanilang tatlong babae. Grabe bat tatlo lang ang babae. Pito yung lalaki e, oh. Sanaol malakas ang genes. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang hapon na. Hindi pa naman ako nagtatagal dito, sadyang nahuli lang ako ng punta. Nang ibalik ko ang tingin sa kanila ay para silang mga batang pinagalitan ng magulang. Sabay-sabay silang tumighim at umayos ng upo. May problema kaya? "Pasensya ka na sa amin ha. Mukhang may pupuntahan ka pa. Sige start na tayo," biglang sabat nung babaeng balingkinitan ang katawan. Nahihiya na lamang akong ngumiti. Mukhang na misinterpret nila ang pagtingin ko sa orasan. Hindi na rin ako tumutol na magsimula. "Sige na Elaine, ikaw na magpaliwanag nung wedding." inip na saad ng pinakatahimik sa kanilang lahat. Sa first look mukha syang galit sa buong mundo. Cold at anlalim ng boses parang mangangain. Sya yung tipo ng lalaking kinalalaglagan ng panty eh. Sa tingin ko lang. Bagsak ang buhok, maganda ang hubog ng panga, matangos ang ilong, maganda ang mga mata nya kaso lang nakakamatay tumingin. He's almost perfect kung hindi lang mukhang suplado. "Ehem...Hindi na rin pwede yan Mavi e. Ako na lang tingnan mo. Single, reading ready basta ikaw." saad ng lalaking may ear piercing na krus. Sabay sabay namang umaktong nagsusuka ang mga pinsan nya. Kinunotan nya lang ng noo ang mga ito. "Mag-start ka na nga Elaine. Hoi Blazy! Nasaan na yung pinaready ko sayong kontrata," napatingin ang tinawag na Blazy dun sa lalaking nakapiercing. May kontrata na? Mas better hindi paulit-ulit na copy para sa kagustuhan ng costumer. "Wala sa akin, na kay Kuya Brix. Kinuha nya sa akin last time e," sabi nito habang tutok na tutok sa nilalaro nya sa cellphone. "Ano ka ngayon Von! Talo kita," saad nya pa. Umiling na lang sila saka bumaling sa akin. "Wala pa kasi si Brix e. Baka next time na lang namin mapakita yung kontrata," sabi ni Davion. Namumula ang ilong nya ng sabihin nya iyon. May flu ba to? Anyare? Allergy ba sya sa presensya ko? Joke. May absent pa sa kanila? Lalaki rin? Grabehan talaga ang genes ah. Bali ilan na? Walong lalaki na? Gusto ko man makichismis sa kung gano sila karami ay hindi ko na ginawa. Chismosa lang. "Okay lang, my workplace is open 7 A.M- 10:00 P.M. But i usually go at 9 A.M and depende ang quit ko, minsan overnight. You guys can go there if you have something to ask," mahabang paliwanag ko. "Si Elaine kasi mag-iintindi ng about sa contract at kasunduan e. Baka sya na lang ang makipagusap sa'yo," sagot ni Davion. Wala namang kaso sa akin yun. Kahit ano, sila naman iyon e. Pero sa totoo lang, malapit ko na silang husgahan sa ginagawa nila. Clearly, they looked like a kid. Para lang silang nagdidisisyon kung papasok ba bukas o hindi. "Parang ginawa mo kong all around nun ah. Ako ba ikakasal? Ako ba?" sarkastikong saad naman ni Elaine. "Hindi ka naman tatanggi diba?" tanong nung lalaking may hikaw. Umiling na lang ang iba pang mga pinsan bago umalis at mukhang tutungo sa garden. Konti lang ang nakikipagcommunicate sa kanila, ang iba ay mga seryoso ay umalis na. They don't look convince by this. Lalo na yung batang nasa 15-17 lang ang edad na mukhang carbon copy ni Davion. Hindi sya mukhang kumbinsido. "As if makakatanggi ako, o sya bweno. Unang rule, bawal to lumabas sa media or malaman ng iba. Kaya please miss Mavi. Yung mapagkakatiwalaan dapat ang trabahador mong kukunin ah," paliwanag nya. Natural kailangan walang makaalam kasi nga, surprise wedding. Pag may nakaalam edi malalaman din yun nung bride. Pa'no pa magiging surprise yun. Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon. "Don't worry. Lahat ng trabahador ko ay mapagkakatiwalaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD