KABANATA 26: "Naghintay ka ba ng matagal? Sorry naflat kase yung bwiset na kotse na ito." Panimula ni Traige ng makalapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "It's okay Traige." aniko at ngumiti inalalayan niya naman ako pasakay sa kotse niya. Sinundo ako ngayon ni Traige dahil may pupuntahan daw kami, hindi ko alam kung ano nanamang trip ng lalaki na ito sa tuwing titingnan ko siya ay ngumingisi lang siya. "Para kang baliw Traige saan ba talaga tayo pupunta?" aniko habang nasa biyahe kame. "Just wait." "Isusumbong kita sa boyfriend ko sa pinag gagawa gawa mo." Panakot ko sakaniya pero tumawa lang siya. "Hahaha. Eh nasan ba ang boyfriend mo? Diba nga nasa Sicily? Hindi niya ako mababalian ngayon at dapat nga magpasalamat pa siya dahil sinundo ko ang syota niya habang busy siya.

