"And in her smile I see something more beautiful than the stars..." -quote.com- . Headline . . ANG tawag agad ni Ate ang gumising sa akin. Hindi ko alam kong anong oras na. Pero sikat na ang araw sa labas. Wala na rin si Drew sa tabi ko. Ang aga niya 'ata. . ["Hello, ate."] ["Sorry napaaga ang tawag ko. Narinig ko lang kasi ang balita sa iba. What's happening there?"] ["Wala naman, Ate. Okay lang naman ang lahat."] ["Anong okay? Tinawagan ako ni Jasper kahapon. You're with Drew in Japan? Trabaho ba 'yan?"] . Nainis lang ako ng marinig ang pangalan ni Jasper. At talagang tinawagan pa talaga niya sa ate? Ang manloloko! . ["Ate wala na kami ni, Jasper. Matagal na, noong umalis ka pa. I saw him with someone. He's a cheater! At ba't pa siya tumawag sa'yo? Ang kapal din naman ng m

