Habang kumakain ay panay naman ang tingin niya sa grupo ng mga Geller. Si Uncle Oxford ay nakatalikod sa kanya,parang hindi lang siya nakita.Kunsabagay,sino nga ba siya para bigyan nito ng special attention di ba? Isa lamang naman siyang manika na tumatayong asawa nito.Hindi lahat ay alam ang tungkol sa kanila.Kagaya nitong tatlong Kuya niya na subsob sa trabaho kaya walang alam sa labas ng mundo,kung gumuganaw na ba o hindi pa. "Tapos na ,uuwi na ba tayo? Iuuwi ka ba namin sa apartment ng Kuya mo?" Tanong ni Kuya June niya. "Ay ,kaya ko na mga K'ya! Wag na kayong mag-alala sa'kin.Kaya ko namang umuwing mag-isa." Kahit na lakarin pa nga niya ang mansion ni Master Ox ay ayos lang.Her body is fit to walk kahit na ibuong araw pa dahil nga sanay na talaga siya. "Baka kidnapin ka?" Malaka

