“ April?” boses ni Uncle Malcolm ang tumatawag sa kanya. Alam niya kung ano ang hahanapin nito sa kanya. Kaagad naman siyang lumapit rito , may nakasablay pang towel sa kaliwang balikat nito. “ Po?” Kanina ko pa hinahanap ang brief ko, di pa ba tuyo?”Kaagad nitong tanong sa kanya. Sinasabi na nga ba niya eh hahanapin talaga nito sa kanya . “ Uncle Malcolm naman, di po kasali sa kontrata natin na ako pa talaga ang magliligpit ng mga damit mo po sa sampayan.” dahilan niya. “ Really? May contract pa kahit sa labada?” “ Of course naman po, lugi po ako di ba?” “ Dalawang libo na nga ang bayad ko, lugi ka pa sa lagay na ‘yon? April, limang piraso lang ang damit ko, anim na shorts at sampung brief.” “ Wow, memoryado!” natatawa niyang sambit. “ Now, go ahead April! Kunin mo ang mga brief ko

