Nasa party pa rin sila hanggang ngayon at kumakain.Hindi naman siya naglagay ng maraming pagkain sa kanyang plato, gusto lang niyang tikman ang lahat ng putaheng inuluto kaya naglagay lamang siya ng pakonti konti sa kanyang plato.Hindi naman siya kagaya nina Apol at Joan na masiba sa pagkain. Si Uncle Oxford ay abala na nakipagkwentuhan sa mga kakilala nito sa gilid .May inilagay kasing bar counter doon at marami nang mga negosyanteng lalake ang umiinom ng alak at nagkakasiyahan ngunit siya ay mag-isa lamang nakaupo .Kanina ay nakapag palit siya ng damit pagkatapos ng pictorials at awarding . "Hi, you alone?" Tumigil siya sa pagsubo nang napansin ang mukha ng malaking lalake na kararating lamang ata dahil basa pa ang buhok nito na wari'y kakaligo lamang.Amoy pa nga niya ang mabangong sab

