"I can't wait to see you wearing those undies." Namula tuloy ang pisngi niya sa narinig. Nakaupo sila ngayon sa hapag kainan at pinapapag ang nilutong carbonara ni Apol. Nanigas siya na parang bato nang maramdaman ang paghimas ni Master sa kanyang binti at dahan dahang inaakyat sa taas ng kanyang hita. Kaninang umaga nga lang sila nag- anuhan at heto na naman ito ngayon? "Master,bukas pala ay may pupuntahan po kaming orientation ni April para po ito sa magandang kinabukasan namin!" sabad pa ni Apol na may dalang sariling plato at pumpapapag rin ng carbonara. "Of course, if it's for your future then go!" Napatingin siya kay Apolonia.Totoong mabait nga talaga itong si Master Oxford.Kahit na pamangkin lamang si Apol ng kanyang kamay nito ay okay lang na makikain ito kasama ang amo. S

