CHAPTER SIXTY-NINE ANG hangin ay humahampas sa mukha ni Beatrice. Ngayon ay nakangiti siyang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro mula sa malayo. Nasa isang village kasi siya ngayon. Dito sila tumuloy sa isa sa mga bahay ng mayamang kaibigan ni Noah, si Ralph. Sa patuloy na panonood ni Beatrice sa mga bata ay hindi niya napigilan ang sariwain ang mga panahong bata pa lang siya. Noong bata kasi siya ay bagama't mayaman ay pinalaki siya ng magulang niya nang simple lang. Iyong naibibigay man nila ang lahat ng gusto niya pero nandito rin iyong side na hindi nila hinahayaang maging matapobre ang anak. Lumaki itong kalaro ang mga batang anak ng kanilang kasambahay. Sila ang naging mga best friend nito. Madalas nilang nilalaro ang chinese garter mula sa goma na kinukuha nila sa kusina. Ang

