CHAPTER FORTY-SIX A/N: Kumusta kayo? Na-miss niyo ba sina Noah at Beatrice? Well, everyday update na naman po tayo hanggang sa matapos ang pahina ng ating aso't pusa. Enjoy reading! Godbless! ❤ ~ HINDI alam ni Beatrice kung ano ang kanyang nakain para makisabay sa lalakeng ito. Hindi siya ganitong babae na easy-to-get. Siguro dahil sa tama ng alak sa kanyang sistema na gustong kalimutan ang lalakeng hindi mawala sa kanyang isip. Lalakeng pilit niyang itinataboy palayo. Kahit na ayaw ng kanyang puso. Ang kamay nito ay gumagapang na papunta sa kanyang beywang. Hindi siya nagreklamo rito. Bagkus ay tiningnan niya ito nang malagkit at nginisihan. Mas lalo niyang iginiling ang kanyang beywang sa harap nito at idinikit ang kanyang katawan. Dahilan para maramdam niya ang sumasaludo nitong pag

