PROLOGUE

966 Words
Nakasuot siya ng white gauze wrap dress na binagayan ng nakalugay niyang buhok. Tinernohan niya pa ito ng simpleng sandals. This looks suits her, simple but elegant. Nang ma-satisfy si Beatrice sa kanyang hitsura mula sa kanyang vanity mirror ay nagtungo na siya sa pintuan. May ngiti sa kanyang labi nang pihitin niya ang door knob ngunit agad rin naman iyong nawala. Pagkalabas niya ay nanikip ang kanyang dibdib nang makita ang lalakeng nakasandig sa dinding. Seryoso itong nakayuko sa hallway kung nasaan ang kanyang kwarto. Tila bang may hinihintay ito. Come on, Beatrice? Bakit nagiging istatwa ka riyan?! Hindi niya alam ang gagawin lalo na't namimiss niya ang matipuno nitong katawan at nakakatunaw nitong kagwapuhan. Kahit sandali lang sila nagkasama. Kung nakahiwalay lang ang kanyang utak sa kanyang katawan. Baka ay kanina pa siya nito nasabunutan. Bakit nagiging ganito na siya? Hindi naman siya marupok dati. Pinakalma niya ang kanyang sarili at humiga nang malalim. Okay, pretend like kalmado. Pretend like he's just a wall out there. And then mamaya ka na kabahan. Ilang segundo ka lang maglalakad sa hallway na 'yan at dadaanan ang lalakeng 'yan. Sambit niya sa isip. Iiwasan niya na ito hangga't kaya niya. Magkukunwaring walang tao at hindi ito kilala. Iyan ang nasa kaniyang isip. Pero nang mapadaan siya sa gawi nito ay natigilan siya. Naramdaman niya kasi ang mainit nitong kamay sa kaniyang braso. Maraan siyang napapikit. Pilit na makawala sa mahigpit nitong hawak sa kanya. Oh f*ck. This is not part of my plan. "Let me go, I am warning you," babala niya rito. Pero tila bang walang ito narinig. "Come on, Noah? Let me go!" Ngayon ay hindi na siya nakatimpi pa. Itinaas niya na ang kanyang boses. Pero kahit gayon pa man. Wala pa ring nangyari. Mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang braso. Tinitigan niya ang lalaki at hindi niya maiwasang hindi mapalunok nang makita ang seryoso nitong mukha. "Pag-uusapan natin ang nangyari, Beatrice." His eyes were like soft chocolate pools as he gazed into hers. Matagal silang namalagi sa ganoong posisyon. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kanyang isip para mapatingin siya sa labi nito. Mabuti na lamang at nagising siya sa sariling wisyo. Kaagad niyang sinubukang bawiin ang kaniyang kamay. Ngunit tulad nga noong ginawa nito ay hindi ito hinayaan ng binata. "Ba't kailangan mo pang umalis ng hacienda?" tanong ng binata "I have to go with my friends here. Nakikita mo naman di' ba? We're here," inikot niya ang kanyang mata sa paligid. "Besides, ano ba ang pakialam mo? Inutusan ka ni Mom para bantayan ako?" Itinaas niya ang kanyang kilay rito pagkatapos ay bumuga ng hangin, "For God's sake, I am twenty-seven years old and I am not a minor anymore!" Sunud-sunod na hasik ni Beatrice na ikinabigla ng binata. Sa wakas ay binitawan na rin nito ang pagkakahawak sa kanyang braso. Kung kanina ay tila nagtitimpi pa ang binata. Ngayon ay hindi na. His jaw tightened and his eyes flashed a warning on her. Luminga-linga muna ito sa paligid bago nagsalita. "Alam mo . . . Alam nating dalawa kung ano ang nangyari noong gabing 'yon, Beatrice. At alam kong hindi iyan ang rason ng biglaang pag-alis mo sa hacienda,” giit ng binata habang matamang tinitingnan ang mga mata ng dalaga. Beatrice rolled her eyes, trying to hide her real feelings—weak and shaking. “Anong sinasabi mo? I don’t remember anything, Noah," pagsisinungaling niya rito. Akmang tatalikod na sana siya para tingnan ang hallway kung may tao. Pero hinila ulit siya nito nang paharap dito sahilan para siya ay mapasandig sa malapad nitong dibdib. Ngayon ay isang dangkal nalang ang kanilang pagitan. Damang-dama niya na ang init ng katawan nito at ang amoy nitong peppermint. Napayuko siya dahil sa nakakapang-akit nitong pagtitig. She felt like she’s some kind of a food and this man in front of her will devour her in no time. She can’t help but to gulp with the thoughts. "Hindi mo puwedeng kalimutan na lang basta-basta ‘yon,” nanggigigil nitong isplika. "Kal—" "At hindi mo puwedeng sabihin sa akin na kalimutan na lang ‘yon, Beatrice. Dahil hindi ko basta-basta makakalimutan ang nangyari sa atin noong gabing 'yon. Alam mo at alam ko na pareho nating ginusto iyon," putol ng binata. Napalunok na siya sa kanyang kinatatayuan at natataranta nang napapalingon sa paligid dahil baka may makarinig sa kanila. “Alam kong ginusto mo rin 'yon, Beatrice. Dahil kung hindi mo 'yon ginusto, you should’ve pushed me away. But . . . you did not,” he whispered, intensely, and held her arm tightly. Wala siyang masabi dahil tama ito. Gusto niyang magsalita subalit walang lumalabas sa kanyang labi. Ang hirap magpakahina. Ang hirap sumunod sa agos. Ang hirap magpaubaya. Ang dami kaseng 'what ifs' sa utak niya sa tuwing na andoon siya sa part na gustong sundin ang kamyang puso. Na, what if in the end of the day ay matatalo siya? What if mapupunta lahat sa wala? What if lahat ng oras at panahon niya ay masayang? Is it worth it? Is it worth it na masaktan sa huli because of that stupid so-called 'love'? Muling nagsalita si Noah. Mas lalo pa nitong inilapit ang kanyang katawan sa kanya. "I will chase you wherever you go and hide, Beatrice. And I will make sure that I will be the only man to make your night warm . . . not just for one night, but all of your nights forever." Beatrice can’t help but to stare at his piercing eyes. She can’t help but to hold her breath as the world started to turn slow and her heartbeat gets louder and louder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD