CHAPTER FORTY-THREE HINDI niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon. Pero hindi ba't dapat ay matuwa siya? Kung ngang mag celebrate ay gagawin niya. Pero hindi. Kabaliktaran lahat ng nararamdaman. Nalulungkot siya. Natatakot. Hindi. Hindi puwede. Hindi puwedeng magkagusto ang lalake sa kanya. Hindi puwedeng mahulog sa kanya si Noah. Love is not her thing. She mean it. Kahit kelan ay hindi niya na hinangad ang magkaroon ng asawa—ng Pamilya. Hindi siya naniniwala sa 'love'. Lalong-lalo na mas pinanindigan niya maging ganito ang mindset sa pag-ibig dahil sa kanyang Ama na ipinaramdam siya kanya ang pait ng buhay na walang Ama't in na nandyan para saiyo. Na iyong inasahan mong magandang Pamilya, perpektong Pamilya ay bigla-bigla na lamang maguguho nang ganun-ganon na lang. At dahil iy

