GELLA “Are you mesmerized by my body?” Tanong ni Sir Gio sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakangisi ito ng bahagya. Napalunok ako ng hindi ko sinasadya at tsaka ko siya inirapan. Bago ko pa mabuksan ang pintuan ng kuwarto ko ay nagsalita siya habang pababa ng hagdan. “Clean the whole house. And dumi na ng bahay. Now.” Napapikit ako sa inis dahil I swear, mas makinis pa ang sahig ng bahay kaysa sa mukha ko. Dumungaw ako sa baba para tignan kung saan siya pumwesto. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa sofa at sumalampak na para nang-aakit. Itinaas niya ang isa niyang kamay at ipinatong sa kanyang ulo habang nagbabasa ng libro. Nakasuot siya ng salamin na may bilog na manipis na frame na lalong nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan. Sinasabi ko talaga na kahit na sinong nilalang ang maka

