GIORDAN Niyakap ni Mama si Gella nang makalabas na kami sa bahay para magpaalam. Inabot na kami ng alas-sais ng gabi at buhat-buhat ko ang aking anak na mahimbing na ang tulog dahil sa pagod sa kakasayaw. Pinisil ni Mama ang mga braso ni Gella. "Thank you very much, Gella... You made our Christmas really fun and entertaining." Paanong hindi magiging entertaining eh dalawang oras silang nagvivideoke. "Walang anuman po, Nay Emy... Maraming salamat din po sa mga damit." Masayang tugon naman ni Gella. "Yung pangako mo ha? Huwag mong kakalimutan." "Anong pangako?" Sabat ko sa kanila. Tumawa ang dalawang babae sa harapan ko. "Opo. Pangako ko po yun." Sabi naman ni Gella. "Gella, huwag mong masyadong patagalin ha?" Biglang sabi ng aking ama. Nagkatinginan kami ni Gella at hindi namin na

