GELLA “Gela, wait! That’s not what I mean!” Naglakad ako ng mabilis palayo kay Sir Gio habang kinakamot ko ang buhok ko sa ibabaw ng kanang tenga ko. Sinadya ko siyang iwan dahil baka mahalikan ko siya sa tindi ng kilig na naramdaman ko sa kanyang sinabi. “Sir naman eh! Kita mo na ngang team sawi na ako, ginogoyo mo pa ako!” Sabi ko sa kanya ng may halong pagmamaktol at kilig. “No! I mean, yes! Wait!” Hinila niya ang braso ko at napabalikwas ako sa aking likuran. Sa lakas ng paghila niya sa akin ay napadantay ako sa kanyang harapan. Napahawak ako sa matipuno niyang mga dibdib. Umusad ng kaunti ang mga daliri ko at naramdaman ko ang katigasan ng kanyang mala-adonis na hubog. Tumingala ako para maabot ang kanyang mukha. Huminga ito at dumampi ang init ng kanyang paghinga sa aking pisngi

