✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ ILANG LINGGO na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hirap pa rin akong paniwalaan ang lahat. Sobrang gaan sa pakiramdam na okay na kaming lahat. Okay na kami ng mga magulang ni Xyrus at okay na rin kami ni Mari—ni mama. It happened all at once at hanggang ngayon, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako. “Anak!” Napalingon ako kay mama nang marinig ko ang masaya niyang boses habang palapit sa amin ni Xyrus sa dining. Nagmemeryenda kami at kandong ko si Frida, alas tres na ng hapon. “Tingnan mo ‘to. Ito na ‘yong condo. Dito tayo titira!” Excited niyang pinakita sa akin ang picture ng condo at speechless ako sa laki at ganda no’n. “Wait. What?” Pareho kaming nagbaling ng tingin kay Xyrus, kunot ang noo niya. Kay mama siya nakatingin. “You’re taking her with you?” Pigil

