✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ ALAS SIETE ng gabi noong nag-decide akong yayain si Frida na kumain. Sa isang fast-food lang ulit kami kumain, dahil kahit gaano ko siya kagustong ipagluto, wala naman akong magawa. “Frida,” mahina kong tawag sa kaniya. May mantsa ng sauce ng spaghetti ang gilid ng bibig niya kaya dinampot ko muna ang tissue para punasan ‘yon. “I will call your Daddy Xy. Tell him you're here with me at sabihin mo rin na ipasundo ka na kay mama at papa mo.” I was referring to Xyrus parents. Napasimangot siya. “I don’t want to go home yet. Kapag umuwi ako, pagagawain na ako ng homework ni mama at papa. I want to play with you pa.” I smile. Bahagyang humahapdi ang mga mata ko sa isiping ngayon pa lang kami nagkasama pero tila ayaw na niyang humiwalay sa akin. It’s such a good feeling. “

