✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ HULING oras na ng klase ko. Excited ako hindi dahil makakauwi na ako after this. Excited ako dahil sa huling oras ng klase ko, kasama ko si Tate. I get to see her beautiful face. Hindi niya alam, pero sa tuwing nasa klase ko siya at busy silang lahat sa kaniya-kaniyang papel, inuubos ko ang oras ko para pagmasdan siya. I love watching her. Pero pagpasok ko ngayon sa classroom, hindi naiwasang kumunot nang bahagya ang noo ko nang makita kong bakante ang upuan niya. Where is she? Dumiretso ako sa desk sa harap at nilapag doon ang gamit ko maging ang projector bag. Baka nasa girl’s restroom lang. Matapos kong i-set up ang projector para sa panibagong discussion, naupo ako sa upuan para mag-check muna ng attendance bago simulan ang klase. “De Luna?” tawag ko nang mak

