✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ ISANG oras mahigit na akong nakahiga sa malambot na kama rito sa guestroom pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang sinabi ni Prof Xyrus. Natatakot ako sa ideya na baka ilayo ng mga magulang niya Frida at dalhin sa New Zealand kapag hindi niya pinutol ang koneksyaon niya sa akin. Pero nahahati ang puso ko dahil tila gusto ko rin manghawak sa pangako niya na hindi niya ‘yon hahayaan mangyari. Tama ba ang desisyon kong magtrabaho ulit sa kan’ya at manatili rito? Hindi kaya mas lalo lang namin mapagalit ang mga magulang niya at mas lalo kong hindi makita ang anak ko? Dapat ba ako na lang ang lumayo? Para kahit papaano ay hindi rin magkalayo si Prof Xyrus at Frida. He loves my daughter so much at katunayan na roon ang pakikipag-break niya sa fi

