✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ PATULOY ang paghaplos ng kamay ko sa ibabaw ng ulo ni Frida, nakahiga ako sa tabi niya. Pinahihimbing ko siya. Nasa isang pamilyar na kwarto ako—kwarto ni Xyrus. Nasa kabilang side ng kama naman si Lily na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. Napapagitnaan namin si Frida. Nagising ang lahat kanina sa iyak ni Frida, pero siya ay hindi. Malalim kasi talaga siyang matulog, iyon ang naging obserbasyon ko sa kaniya. Kaya pala hindi ko siya nakita kanina sa labas ng gate pagdating namin. Noong sa tantya ko ay mahimbing na rin ang tulog ni Frida, dahan-dahan na akong bumangon sa kama dahil parang masyado na akong nakakaabala. Ano’ng oras na, at siguradong hinihintay lang ako ni Xyrus na lumabas dito sa kwarto niya para makatulog na rin siya. Naabutan ko si mama s

