MARIAS OF MY LIFE Maria Jasmine Del Rosario THE SINGER by: Blackrose Chapter 12 After talking to my heart ay dumilat na ako para lang magulat. Ang lapit niya sa akin. Sobrang lapit. Siguro ay mga 3 inches lang ang pagitan ng mga mukha namin. Umusog ang upper body ko patalikod ng bahagya dito dahil nahihirapan akong huminga ng maayos. Nagpipigil pati ako ng hininga. Lalo pa't napatunayan ko na nga ulit na mahal ko parin siya. Wala paring nagbabago. May boyfriend man ako ngayon pero hindi kailanman nahigitan nito ang pagmamahal ko para sa lalaking kaharap ko ngayon. Tumikhim ako. Para kasing naistatwa ito dahil hindi siya gumagalaw ni kumukurap. He is looking straight at me. 'Jasmine sorry dahil matagal akong nawala't ni hindi nagparamdam sa'yo. Sorry because I know nasaktan kita ulit

