Chapter 2

2160 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jasmine Del Rosario THE SINGER by: Blackrose Chapter 2 -------,--'-,--,-'-{@ 's**t!' I woke up involuntarily dahil sa ingay ng alarm clock ko. Pilit ko itong inabot then turn it off. I groaned. I feel so much in pain. Sobrang sakit ng ulo ko. Parang jina-jack hammer sa sakit. I remember what happen last night. Marami akong nainom na tequila at I saw him, f**k! Totally f****d up talaga ako kagabi. Thrice ng nangyari ang malasing ako sa bar. Una was when my parents died. Pangalawa was when we broke up. Pangatlo ay yung kagabi. Totally wasted ako na wala akong maalala after I've fainted. Buti na lang at si Boss ang kasama ko. I know I am safe with him. He always makes sure that I am safe when we are together. I trust him with my whole heart dahil very close talaga kami. Kung pagbabasehan ang kilos, pananalita at tindig nito ay hindi mo aakalain na isang binibini by heart siya. Ilan lang kami na may alam ng sikreto niya, talents at mga staffs niya lang. At first I thought lalaking-lalaki siya. Nagwapuhan pa nga ako dito, hawig na hawig siya ni Aga Mulach. But as I knew him more, I am wronged. Mas babae pa yun sa akin lalo na sa mga daily regimen niya sa umaga at bago matulog. Ako kasi hindi naman sa pagmamayabang ay makinis at maputi ang balat ko. Maganda ang lahi ng mga magulang ko kahit pa na mahirap lang kami. Kaya I don't use beauty enhancement products. Pero si Boss kahit pa maganda at maputi na ang kutis ay kung anu-ano parin ang pinapahid nito at nilalagay. Extra factor daw iyon as he will always say. I decided na bumangon na at maghilamos. Nag-toothbrush rin ako then dumeretso na sa kusina. Hilig ko ang pagluluto, marunong ako sa mga gawaing bahay. Dati sa probinsya namin, ako ang naglalaba at naglilinis ng bahay namin. Hindi ko napansin na may luha na pala ang magkabilang pisngi ko. Miss ko na sila. Miss ko na yung paggulo ni tatay sa buhok ko tuwing nagkikita kami. Tanda ng pagbati niya sa akin. At si nanay naman palaging sinusuklayan at inaayusan ang buhok ko. Dati kahit hiwalay ako sa kanila dahil sa Maynila na ako tumira mula ng maging talent ako ni Boss habang nasa Pangasinan naman sila ay masaya kami. Kasi alam ko na anytime ay makikita ko sila. Na anytime na mamimiss ko sila ay pwedeng-pwede akong umuwi sa amin at makasama sila. Pero after nang unang major concert ko ay kinuha na sila ni Lord sa akin. Madalas tinatanong ko nga si Lord kung bakit agad niya binawi ang mga magulang ko. 19 lang ako noon. Para sa akin ay hindi pa ako handa para mangulila agad. Para sa akin ay maaga pa para kuhanin sila sa akin dahil marami pa kaming mga pangarap tatlo. Ngayon, ako na lang. Ilan taon na mula ng mawala sila nanay at tatay pero up until now ay masakit parin, sobrang sakit parin sa akin. Everytime they crosses my mind, pain crushes my heart so much. Mahal na mahal ko sila, sobra pa sa pagmamahal ko sa buhay ko. Sila lang ang meron ako na alam kong talagang nakakaintindi at makakaintindi sa akin. Pero kahit pa ganoon, masaya narin ako dahil naranasan nila ang kaginhawaan ng buhay bago pa man sila mawala. Naibili ko sila nanay at tatay ng pick-up na sasakyan at nakapagpatayo ako ng munting bahay namin sa Pangasinan. May munting kabuhayan rin sila sa mismong bahay namin kaya hindi na noon kailangan pa ni tatay na maglabasan ng jeep habang si nanay naman noon ay hindi narin kailangang maglabahan sa karatig baryo namin. Masaya ako dahil naranasan nila ang mga yun. They deserved that sa lahat ng mga paghihirap nila na naranasan. Nasuklian ko rin ang paghihirap nila para maka-graduate ako ng high school. Hindi na kasi rin kinaya ni tatay ang umekstra pa sa construction kaya hindi na ako nakatungtong ng kolehiyo. Gayon pa man ay sinuwerte parin ako sa isang sinalihan kong singing contest. Dahil doon ay na-discover ng isang Gregorio Punzalan. Isang tanyag na voice coach at manager sa larangan ng music world. Doon nagsimula ang aking karera bilang singer. At dahil mahusay at may dating ang aking boses according to many, naabot ko ang pangarap ng mga magulang ko. Nabaling ang atensyon ko sa sala ng tumunog ang telepono. Ilan lang kasi ang nakakaalam ng cellphone number ko, mga pinagkakatiwalaan ko lamang na tao. 'Hello.' 'Good morning Miss MJ. Ako po si Cristina, secretary po ni Boss Greg. Tumawag lang po ako para i-remind po kayo sabi ni Boss regarding daw po sa meeting ninyo later ng 2pm. With the gang daw po sabi ni Boss Greg. Dun daw po sa dating lugar Miss MJ. Pinapasabi po ni Boss na baka daw po kasi matulog daw po kayo maghapon at makalimutan daw po ninyo ang meeting. Importante daw po ang agenda Miss MJ.' 'I'll be there at 2pm sharp. And kindly iparating mo sa boss mo na wala akong hangover, okay. Thank you.' Straight na sagot ko dito habang sapo ng kamay ko ang aking noo. I lied when I've said na wala akong hangover, I really feel the pain throbbing inside my head. Pagkabalik ko sa kusina ay nagprito na ako ng tuna omelette then nag-toast ng garlic bread. Madalas na light breakfast lang ako at kape. Wala akong maid, hindi ako sanay na may nagsisilbi sa akin. Hands on ako dito sa pamamahay ko. As much as possible ako lahat ang gumagawa dito. Mas gusto ko ang kumikilos para sa sarili ko kesa may nagsisilbi sa akin. I eat long. Isang oras maximum ang nilalaan ko sa pagkain. Kasama na doon ang pagbabasa ko ng magazine o newspaper at saka ang paninigarilyo. Ayokong minamadali ang pagkain. Sa may garden ako magbe-breakfast kasi masarap sa kape ang may partner na yosi. Since maaga pa naman ay nag-decide akong maglinis ng buong kabahayan. Dalawang palapag ang bahay ko. May 2 bedrooms, yung sa akin at ang guestroom. May 2 na toilet and bath, sa kwarto ko at sa ibaba. May garahe rin para kay Montero na katabi ay isang small garden na para sa mga tanim kong red roses. I have a simple home. 17 ako nang tumira ako dito. Si Boss ang nag-settle ng downpayment nito sa realty then ako na ang naghuhulog. Rent to own ito sa isang exclusive na subdivision. Since bigtime si Boss ay napapayag niya ang realty na i-compress ang payment within 18 months. So settled na ako sa bahay ko and even yung dinown-pay ni Boss ay quits narin kami. About naman kay Montero ay 3 months na lang ay tapos na akong bayaran siya sa credit card ko. Whole morning akong naglinis ng bahay. After ay nagluto na ako ng pang-lunch ko. Magana akong kumain ng pananghalian then nagyosi akong muli sa garden. I dicisplined myself na sa labas ng bahay manigarilyo. Ayokong magkaroon ng ibang amoy ang loob ng bahay ko. After, I take a bath. Napatunganga ako sa tokador ko paglabas ko ng banyo. Sitting there ay si Garfield stufftoy na may hawak na heart at may nakasulat na "I Love You". Napapikit ako. Hindi ko pa pala naaalis ito dito. I hurriedly go down at nagpunta sa dirty kitchen. Isinama ko ito sa isang box na andoon. 'Hindi pa oras para balikan ko ang mga old memories ko sa'yo Jonathan. It's not yet time para mag-reminisce. Masakit parin ang puso ko. Hindi pa ako tuluyang nakaka-move on. Not yet but hopefully soon.' 'Akala ko you'll be late MJ eh. Kasi ang sabi sa akin ni Boss ay lasing ka daw kagabi and he brought you home. Anong meron at naisipan mong gawing tubig ang tequila? I told you that if you have any problem, anything at all, ay lumapit ka sa akin. Anong nangyari kagabi?' Usisa ni Miko ng makaupo ako. Miko is one of my closest friend dito sa work. I knew him mula ng mag-join ako sa group, sabay kaming nagsimula at gumawa ng pangalan sa music industry. I know may iba siyang pagtingin sa akin aside sa pagiging magkaibigan namin. But I always turned him down many times narin. Hindi ko na nga maalala kung ilan beses ko na siyang binasted pero hindi siya sumusuko. Nanatili itong anino ko kahit pa noon na nagka-boyfriend ako until the time na nagbreak kami ni Jonathan ay nanatili siyang anino ko. Mabait si Miko... Gwapo, caring, charming at may sense of humor. A type of guy na every girl will be dreaming of having. Hawig siya ng artistang si Jamie Dornan ng Fifty Shades Trilogy. Hunk siya at yummy rin. Palagi siyang nakangiti, isang typical na masayahing tao. Magaan ang loob ko sa kanya simula pa lamang. He is the brother that I never have. Matanda lang siya sa akin ng 3 years pero mas childish pa siya kesa sa akin. Close na close kaming dalawa na napagkakamalan kaming mag-jowa ng iba. I love him as a dear brother of mine, I guess hanggang dun lang yun nararamdaman ko for him. Nothing more, nothing less. 'Hey! Para kang zombie diyan sa itsura mo. Ano bang nagyayari sa'yo? You'll not get yourself too drunk kung wala kang mabigat na problema. Dati naglasing ka when nanay and tatay died tapos nung nagbreak kayo ni Keith naglasing ka rin. So what's bothering you MJ? HIndi ka lang lasing ha, you are too drunk na kailangan ka ng buhatin para mailabas sa bar.' 'Oh shut up Miko!' sanay na ito sa minsanan katarayan ko. 'Pero MJ kilala kita and...' 'I'm good Miko. Nothing to worry about. Okay lang ako.' 'I know there's something wrong. I know something's bothering you. May nabanggit si Boss Greg sa akin kanina.' I stayed quiet na lang. Hindi na lang ako kumibo para matigil na ito sa katatanong. I know he is just concern, he is always like that sa akin. I know na nag-aalala lang ito sa akin. Pero ayokong magsalita now dahil alam kong papalahaw na naman ako ng iyak at iyon ang ayokong mangyari especially that I am not in the privacy of my home. Ayokong kaawaan ako ng iba. Magsasalita pa sana si Miko when Boss Greg arrive. We all kept silent. Ayaw kasi ni Boss na hinahalo ang trabaho sa pagiging close ng isa't-isa kahit pa we treated everyone as family. He started discussing our next project. Tumagal pa ang meeting namin ng ilang oras. Pinag-suggest pa kasi kami. After ng mahabang meeting at konting usap kay Boss ay bumaba na ako sa parking lot. Kagabi kasi ay parehas kaming may dalang sasakyan. Pero ang ginamit pala ni Boss pauwi namin ay ang Ferrari nito. Iniwan pala nito ang Montero ko sa bar's parking. Buti na lang hindi ito naano doon. Then kanina pala ay kinuha ni Boss si Montero at dinala dito. Dumeretso ako sa bahay. Wala ako sa mood na pumunta sa kung saan-saan. 7pm narin ako nakarating sa bahay dahil sa traffic. Kumuha ako ng ice bucket and baso sa kusina. Pinatong ko yung redhorse bottles sa centertable at pasalampak na naupo sa sahig. Mahirap rin mamuhay mag-isa. Walang ka-chikahan, walang maiyakan, walang katawanan. But I wanted to be alone. I feel safe na walang sinuman ang mananakit sa akin. Dati kasi may kasama ako sa buhay ko but hindi naging maganda ang pagsasama namin. Don't get me wrong, please. Hindi ako nakikipag-live in kahit pa usong-uso na ito ngayon. May pagka-Maria Clara parin ako. A Maria Clara living in a liberated world. Kaya nahihirapan parin akong mag-move on talaga kasi he was here before. Naging parte siya ng bahay ko, ng buhay ko. Kapag bumibisita siya dati dito ay madalas siyang tumambay dito kesa sa sarili nitong condo. Either nasa garden o sala kami nagkukulitan, naghaharutan, naglalambingan o nagkakantahan sa videoke. Kapag-trip naman nitong magpa-impress sa cooking skills nito ay sa kusina kami nagkukulitan habang pinagluluto niya ako ng kung anu-ano. I miss him actually here in my house. Dati pagwala kaming parehas na lakad or free ang mga schedules namin ay pinaglilinis ako ng kotse nun at pinaglalaba rin. Although ayoko naman siyang alipinin, ang kaso ay siya ang may gusto. Hindi ko namalayan na lumuluha na naman ako. Maybe sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay hindi parin matanggap ng puso, isip at ng sistema ko na wala na siya. Na hindi na kami. Na tapos na ang lahat sa amin. Napahagulgol ako. 'When will you stop torturing my mind and heart Jonathan. Hanggang ngayon ikaw parin. Hanggang ngayon bihag mo parin ang puso't isip ko. Hindi ako makalaya. Hindi ako maka-move on kahit pa pinilit ko na kalimutan ka na. Jonathan! Wala akong ibang minahal kagaya ng pagmamahal ko sa'yo! Ikaw parin! Ikaw lang!' Tumungga na naman ako sa bote. Not minding the bitter taste dahil hindi ito ganoon kalamig. 'Tangina!!! Mahal na mahal kita pero bakit?! Bakit mo ako niloko?! Bakit hinayaan mong mawala na lang lahat?!' -------'-,--'-,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD