MARIAS OF MY LIFE Maria Jasmine Del Rosario THE SINGER by: Blackrose Chapter 18 At the moment ay nakatayo ako sa labas ng suite ko overlooking ang buong Palms Casino Resort. Napakaganda ng lugar. Bakas ang karangyaan sa bawat sulok ng paligid nito maging ang mga bisitang nandito. Tomorrow is my last concert at dito ito gaganapin sa mismong Palms Casino Resort sa The Pearl Concert Theater. This time ay hindi ko na kasama si Miko. Sa Texas pa lang after my performance ay nagpaalam na ito sa akin. Kailangan na siya sa business nila kaya kailangan na niyang umalis, he is needed na sa Pilipinas. He bid me goodluck and masayang hinatid pa ako sa hotel before leaving. Since tomorrow is my last concert ay puro tagalog songs ang kakantahin ko. Yun rin daw kasi ang ni-request ng management

