Chapter 2

2307 Words
“Anong ginagawa?” “Sa panlili-” Natigil si Clarie sa sinasabi nang biglang may tumapik sa balikat ni Jayden, si Mak. Ang drummer ng banda nila. Matapos ang mga sinabi nito kay Jayden ay nanatili ng malungkot ang mukha ni Clarie. At hanggang pag-uwi suot niya pa rin ang ekspresyon na iyon. “Ito na ‘yun eh!” bulalas niya habang naglalakad mag-isa pauwi sa kanila. “Sasabihin ko ng ‘Oo’ para kami na, tapos aalis siya? Kailangan daw siya ni Tessa sa Colser? Ano ‘yun, hero na din siya ni Tessa?!” Malala na talaga ang feelings ni Clarie. Maging ang co-chef ni Jayden na si Tessa ay pinagseselosan na rin niya. Nagpaalam na din kasi kaagad si Jayden nang magkaroon ng emergency call sa Colser kaya’t heto siya mag-isang umuwi. Kung hindi nagkaroon ng problema ay magkasabay sana silang uuwi dahil magkapitbahay lang din naman sila. At nai-imagine na ni Clarie na pasan-pasan pa siya nitong ihahatid sa bahay dahil tiyak magtatatalon iyon sa tuwa kung naituloy niya lang sabihin ang dapat niyang masabi. Pero dahil sa nagkaroon nga ng aberya, nalugi ang mukha niya at may selos ring nakikisama sa feelings niya. Ito ang ilan sa mga feelings at attitude na pinipigil niya kahit na alam niyang may karapatan siyang maramdaman ito dahil siya naman ang nagugustuhan ni Jayden, kaya nga siya nito nililigawan. Pero ayaw lang niyang maging kagaya ng iba na nagkakandarapa dito. In other words, pa-hard-to-get kahit unti-unti nang inuupos ng selos. “Jayden!” napabalikwas niyang bangon at hingal na hingal. Nang mapansin niyang ala-siyete na ng umaga, kaagad niyang binuksan ang bintana. Sarado pa ang bintana ni Jayden. Dahil sa magkapitbahay lang naman kasi sila, magkatapat din ang mga kuwarto nila. Tinungo niya ang mesa at kinuha ang cell phone. Tinawagan niya si Jayden pero out of coverage area ayon sa operator. Makailang beses niyang tinawagan ulit ito pero parehas lang ang isinasagot sa kanya. Nangamba na siya. Nagmadali siyang naghilamos at nagbihis. Pinuntahan kaagad si Ate Ester, tiyahin ni Jayden sa katapat na bahay. “Naku Clareng wala nga siya! Akala ko nandito lang siya, kasi nakarinig ako kagabi na may umakyat na sa kuwarto niya. Kaya akala ko siya ‘yun!” paliwanang ni Ate Ester na nangangamba rin matapos nitong akyatin ang kuwarto ng pamangking si Jayden. “Saan naman po kaya ‘yun pumunta?! Hindi man lang nagawang tumawag o mag-text kung saan siya pupunta!” tumaas na boses na rin ni Clarie. “Huwag na kayong mag-panic,” biglang singit naman ni Goji na kalalabas lang ng kuwarto nito. “Ma, ako ‘yung pumunta sa kuwarto ni Jayden kagabi. Chineck ko siya bandang alas-onse kung nakauwi na siya pero hindi pa pala. Tapos, biglang nag-text si Tessa sa’kin nagpaiwan daw si Jayden sa Colser at may tatapusin lang daw. Kaya siguro doon na ‘yun nagpa- Clareng! Saan ka pupunta?” Parang walang narinig si Clarie at patuloy lang sa paglalakad ng mabilis. Hindi na niya pinatapos pa si Goji dahil iniwanan na niya ang mga ito. Wala na siyang ibang alam na lugar na pwedeng puntahan ni Jayden kung hindi niya ito makikita sa Colser. Wala siyang ibang iniisip at sinasabi sa sarili kundi sana ay maayos lang ang lagay nito. Panaginip lang ‘yun. Maayos lang siya, walang masamang mangyayari sa kanya. Kahit paulit-ulit niya iyong sinasaulo, taliwas naman iyon sa nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng takot. Kasunod ang galit, guilt, at kapag hindi niya pa napigilan pati mga luha niya kakawala na rin. Natatakot siyang baka may masama na ngang nangyari kay Jayden at biglaan itong mawala sa kanya. Hindi pa man din niya nasasabi ang mga dapat niyang sabihin at iparamdam dito ay baka mawala na ito kaagad sa kanya. Hindi niya iyon kakayanin. Alam niyang OA na siya sa mga oras na ito. Isang panaginip lang, ikinatataranta na niya? Pero dahil nang malaman niyang hindi umuwi si Jayden mula pa kagabi at hindi pa ma-contact ang cell phone nito, alam niyang dapat siyang mangamba at mataranta. Nang makarating sa Colser ay dumiretso kaagad siya sa likuran kung saan ang bubungad kaagad ay ang area sa kitchen dahil tiyak niyang doon niya makikita si Jayden. Ngunit nang pihitin niya ang pintuan ay kaagad iyong nabuksan nang walang kahirap-hirap. Hindi iyon naka-lock. Kaya mabilisan na siyang pumasok at tumungo sa kitchen. Sunod-sunod din ang naging pagtawag niya sa pangalan nito. Wala namang ibang tao siyang nakita doon dahil sa sarado pa naman ang restaurant. Kung anu-ano na rin ang tumatakbo sa isipan niya. Gaya ng baka makita na lang niya sa isang sulok ang katawan nitong duguan o kaya nama’y mas grabe pa. Huwag naman sana. “Jayden! Jayden!” sunod-sunod niyang sigaw nang makita niyang nakahandusay ang isang lalaki sa lapag malapit sa counter. Sinipa niya ang upuang nakaharang na pumapagitan sa kanya at sa katawan ng lalaking nasa lapag. “Jayden! Gising! Jayden! Huwag mo muna akong iwan!” sigaw niya habang niyugyog ang nakilala na niyang katawan ni Jayden. Napapayakap din siya dito para maramdaman kung humihinga pa ito. Humihinga pa naman at wala namang mga dugo ang mukha, leeg, braso, at sa alinmang parte ng damit noong suriin niya ang katawan nito. Hindi niya rin napigilan ang pagkataranta. “Jayden! Ano ba?! Natutulog ka lang ba? Gising! Gising!” sunod-sunod pa rin niyang yugyog. Pero nagulat siya nang biglaan na lang siyang yakapin nito padapa kaya’t nasubsob siya sa leeg nito. Kaagad naman din niyang iniangat bahagya ang kanyang ulo at tiningnan ang mga mata ni Jayden pero nanatili pa ring nakapikit ang mga iyon. “Hm... Ang lambot ng unan ko. Kaya lang, napakaingay.” “Chansing!” kurot niya naman kaagad kay Jayden at kumawala sa pagkakayakap nito. Nang tingnan niya ulit ang mukha ng lalaking akala niya ay natigok na, ay nakangiti nang tinititigan pa siya. “Ano bang ginagawa mo dito? Bakit dyan ka pa natutulog?! Hindi ka na lang umuwi sa inyo!” bulyaw niya nang tumayo na siya. Habang tumatayo na rin si Jayden sa pagkakahiga ay patuloy pa rin siya sa kakadada. “’Yung cell phone mo nasaan? Ni hindi ma-contact! Kay Tessa ka pa naghabilin, pwede namang sa akin! Makakarating naman kaagad ‘yun kay Ate Ester. Siya na ba pinagkakatiwalaan mo ngayon? Siya na ba? Ha? Hindi mo ba alam nasa-” Hindi na nga natapos ni Clarie ang sinasabi niya kahit pa napakadami niya pang gustong ibulyaw dito. Natameme na lang kasi siya sa pagyakap na iyon ni Jayden. Alam na talaga nito ang makapagpapatigil sa kanya. “Sorry,” nasambit lang ni Jayden sa kanya. Ito pa lang ang unang beses na naramdaman niya ang kakaibang sincerity ng salitang iyon mula kay Jayden. Iba ito kumpara sa mga dating sorry nitong alam niyang nakakaloko lang. Kaya naman hindi na niya napigilan ang mga sariling braso na yumakap na rin dito. Ramdam niya ang tikas noon at ang seguridad na pakiramdam niya’y siya lang ang nararapat sa lugar na iyon. Sa kanya lamang ang mga yakap na iyon. Mula pa noon magpa-hanggang ngayon. “Pinakaba mo ko alam mo ba ‘yun?” sabi ni Clarie nang magkayakap pa rin sila. “Akala ko talaga hindi na kita maaabutang buhay.” “Bakit?! Namatay ba ako?” kaagad naman takang tanong ni Jayden kasabay ang pagbitiw nito sa pagkakayakap kay Clarie. Pero hinawakan naman nito kaagad ang mga kamay ng dalaga. “Nanaginip kasi ako, masama. Pakiramdam ko humahagulgol na ako nang makita kitang sumama sa isang babaeng hindi ko naman kilala. Mahaba ang buhok at puting puti ang suot. Iniwan mo akong mag-isa. Pagkatapos, biglang naiba. Binubugbog ka daw, madaming mga lalaki. Duguan ka na at walang malay. Natakot talaga ako. Hay... akala ko talaga nagkatotoo na,” paglalahad ni Clarie na nakayukong pinagmamasdan lang ang mga kamay nilang magkahawak. Walang ibang narinig si Clarie na tugon sa kausap maliban sa isang malalim na buntong-hininga. At muli lang siyang niyakap nito. Mas mainam na nga ang ganito sa loob-loob ni Clarie, yakap na lang kaysa batukan pa siya nito at sabihang masyadong exaggerated sa mga napapanaginipan. Pero, biglang may pumasok sa isipan ni Clarie. Marahil ito na talaga ang tamang tiyempo niya. Hindi na niya papalagpasin pa ang magandang pagkakataong ito. Naisip niyang hindi na dapat patagalin. Ito na talaga ang moment na iyon. “Oo!” sigaw niya bigla-bigla. Hindi siya kumalas sa pagkakayakap kay Jayden pero si Jayden bahagyang bumitiw ng kaunti. “Anong ‘oo’ pinagsasabi mo dyan?” taka na naman nitong tanong. “Ah...” bitiw niya kay Jayden at hinarap ito. “Yan na ‘yung sagot ko... kung... may itatanong ka man sa akin ngayon!” Pakiramdam niya nagsindi siya ng kwitis na hindi naman pumutok paitaas. Mukhang sa dibdib pa niya iyon pumutok dahil pumintig iyon ng pagkalakas. Nandoon na talaga hindi niya pa na-ideretso sa pupuntahan. Alibi na lang muna at maaari namang matumbok iyon ng common sense ni Jayden. “Talaga?” nakakalokong ngiting tanong ni Jayden. Hindi naman sumagot si Clarie. Nakatitig lang siya dito at hinihintay pa ang ibang sasabihin. “Ah, oo nga pala! ‘Oo’ na ang lagi mong sagot.” “Nag-alala ka talaga sa akin?” seryoso nitong tanong. “So, Oo?” “In-love na in-love ka sa’kin pero ayaw mo lang ipahalata?” nayugyog pa nito si Clarie. Nagulat naman si Clarie sa sinabing iyon ni Jayden. “Oo ulit ‘yun! Nakakatuwa naman.” “Ang guwapo at ang macho ko?” Hay.. Ang slow pala ng lalaking ‘to? Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Naramdaman na lang ni Clarie na humigpit ang mga paghawak sa kanya ni Jayden. At hindi niya namalayang binubuhat na pala siya nito pa-upo sa counter. “Ano bang ginagawa mo?” maang niyang tanong na nanlaki ang mga mata. “So, sinasagot mo na ko? You’re mine now?” nangingiti-ngiting pagkausap nito sa kanya. Ang mga mata nito nakikita niya na naman ang kakaibang kislap ng mga iyon. Those sparkling eyes hindi lang basta nakaka-tantalize, isang omen rin sa kapilyuhang susunod nitong gagawin. Aminado naman siya sa mga magagandang katangian nito at sa talento, pero hindi rin niya nakakalimutang ito rin ang numero unong gitaristang pilyo. “Oo! Kagabi pa nga dapat. Nagkaroon di ba ng emergency dito kaya hindi ko na natapos sabihin,” paliwananag niya sa ngayo’y kasintahan na. “Ah... so, ‘yun pala yun...” Alanganin ang ngiti ni Clarie sa kaharap. Nang mga oras na iyon parang gusto na niyang magtago sa kung ano man ang susunod na gagawin sa kanya ni Jayden. Ano nga ba ang gagawin nito lalo na ngayong pumayag na siyang maging boyfriend ito? Wala na siyang pakialam. Gusto naman na din talaga niyang maramdaman ulit iyon – that way of expressing his love for her. And that time, it was her chance to respond to all of his feelings and desires. After three seconds, nothing happened. Another three seconds, wala pa rin. Nakatitig lang si Jayden sa kanya. Seryoso na ang mukha. But after she blinked, he wore again that kind of evil smile. “Are you waiting for something?” ngiti nitong sabi. Napalunok lang siya. Namula rin ng bahagya ang kanyang mukha. Pero lumapit si Jayden sa kaliwang tainga niya at bumulong. “Not now, babe.” “Yuck! Babe?” bulalas niya at natulak niya pa ng mahina ang balikat ni Jayden. Hindi naman talaga sa itinawag na iyon ng kasintahan ang dahilan ng pagsigaw niya kundi ang nakakakiliti at nakakakilabot na bulong na iyon nito sa kanya. Bahagya kasi siyang nakaramdam ng nginig. “Okay,” sabay alalay nitong ibinaba siya mula sa counter. “’Wag na lang ‘yun! Anong gusto mo itawag ko?” “Wala. Same pa din! Ay, teka nga pala!” sabay tapik niya sa likod ni Jayden na tumalikod sa kanya nang makababa na siya sa counter. Humarap naman kaagad ito sa kanya. “Masyado mo kong nililibang eh. Bakit ba hindi ka umuwi? Anong ginawa mo dito sa Colser at nagpaiwan ka pa mag-isa?” “May tinapos lang ako na hinihingi ni Manager Tris. Tatawagan naman dapat talaga kita kaya lang nag-empty battery na ‘yung cell phone ko kaya pinasabi ko na lang kay Tessa na sabihin kay Goji. Nakaupo lang naman ako dito, gumagawa malapit sa counter. ‘Yun nga lang hindi ko namalayan nakatulog na pala ko.” “’Yung pintuan bakit iniwan mong bukas? Pa’no kung pinasok ‘tong Colser ng mga magnanakaw o ng mga adik, baka napag-tripan ka pang patayin!” “Kalma ka na Clareng. Buhay pa ko. Walang patayang naganap. Masyadong nag-aalala ang girlfriend kong to. Nakaligtaan siguro ‘nung guard na isara kasi nandito pa ako noong umalis siya,” ngiti ni Jayden at akma na siya nitong lalapitan pero pinigil niya iyon. “Eh, bakit nasa sahig ka na kanina? Nahulog... ka?” natatawa niyang tanong. “Oo... yata? Hindi ko alam! Anong nakakatawa?” “Wala! Halika na nga, umuwi na tayo,” aya niyang nangingiti pa rin. Hindi lang naman iyong pagkahulog ni Jayden ang ibinubungisngis niya. Naalala niya din kasi ang naging reaksyon niya nang maghintay siya sa gagawin ni Jayden sa kanya noong nakaupo siya sa counter. Wala naman pala. Natatawa siya sa sarili. Pero sa kabila noon, nakaluwag na ang damdamin niya. Ligtas naman pala ito. At sa wakas, nasabi na niya ang nais niyang iparating. Nakamit niya na rin ang relasyong sinikap nilang parehas abutin. Magkaakbay silang lumabas ng Colser. Nakasalubong na nila ang guwardyang naka-schedule sa morning shift. Nagulat pa nga ito nang makita sila. “Oh, manong guard! Walang maduming isip ha? Maaga pa,” nakangiting sita kaagad ni Jayden. Inunahan na niya agad ito dahil sa tingin pa lang ng guard sa kanila alam na niya ang iniisip nito. Ngiti lang naman ang sinagot ng guard at sinaluduhan pa siya nito. Every 9 o’ clock in the morning ang open ng Colser. May dalawang araw na day off si Jayden sa loob ng isang linggo as a chef. Samantalang tatlong araw naman ang duty niya sa pagtugtog kasama ang Colser Sirens. Ngayong araw ang isa sa mga pahinga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD