Chapter 3

1746 Words
[VEILED'S POV] Pagkapasok ko pa lang sa room para sa subject ni Sir Jed ay napansin kong kakaiba ang tingin nito sa akin. "Sorry Sir, I'm late." nakayuko kong sabi. Matagal bago sumagot si Sir Jed. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. "You may now seat." mahinahon niyang tugon. Nakakapanibago naman. Ngayon lang siya hindi nagsungit sa akin. Mukhang nasanay na yata siyang late ako. Pero baka... Hindi Veiled. Imposibleng nakilala niya ako kagabi sa bar. Sa tagal kong nagtatrabaho ron ay ni isa rito sa Dela Cruz University ay wala pang nakakaalam sa sikreto ko kahit na si Flordeliza. Umupo na ako sa tabi ni Flordeliza. "Late ka na naman girl. Bakit ngayon ka lang?" bulong niyang tanong. "Eh sa hindi mo ako ginising." bulong kong sagot. Habang nagdidiscuss si Sir ay panay ang tingin nito sa gawi ko. Nagtataka talaga ako sa mga tingin niya. "Reminder na bukas na ang deadline ng presentation niyo. Kung wala na kayong katanungan pa. Pwede na kayong lumabas." ani Sir Jed. Palabas na sana kami ni Flordeliza nang tinawag ako ni Sir Jed. "Veiled, pwede ba tayong mag-usap?" ani Sir na nagpatigil sa akin. Hindi ko mapigilang kabahan dahil do'n. "Girl, tinatawag ka ni Sir." tawag sa 'kin ni Flordeliza kaya bumalik ako sa huwisyo. Huminga ako nang malalim at nilingon ang aking kaibigan. "Mauna ka na." Nang makaalis na si Flordeliza ay nilingon ko si Sir Jed na nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa akin. Nilapitan ko ito. "Bakit po..." "I know it was you." Hindi natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Sir. "A-ano pong ibig niyong sabihin, Sir?" kinakabahang tanong ko. Alam na ni Sir Jed ang totoo. "Ikaw yung babaeng nakita ko kagabi sa bar na sumasayaw." aniya. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko dahil do'n. Wala na akong maihaharap na mukha kay Sir. Nilamon ako ng aking kahihiyan. Nasa isip na siguro niya na isa akong nakakadi... "Kamukha mo yung babaeng pokpok na sumayaw kagabi sa bar." - Sir Jed Napalingon ako kay Sir. "A-ano pong ibig niyong sabihin?" biglang naguguluhan kong tanong. "Kamukha mo yung babaeng pokpok na sumasayaw sa isang bar kagabi. Kahit may takip na itim na belo sa kanyang mukha ay magkahawig kayo. Kaya pala hindi ko maiwas ang tingin ko sa 'yo kanina. Pero hindi naman ikaw siguro 'yon, Veiled." paliwanag ni Sir Jed. "Ahhh!" 'yon lang ang naging reaksyon ko. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag dahil do'n. Hay akala ko katapusan ko na. Kailangan kong mag-ingat kay Sir Jed. Sana hindi na siya bumalik pa sa bar na pinagtatrabahuan ko. "By the way, Veiled. Walang pasok mamayang tanghali. Pero kailangan niyong pumunta mamaya sa gymnasium dahil mandatory ito. Darating ngayong tanghali ang Presidente ng Dela Cruz University. Pakisabi na lang sa mga classmates mo ang tungkol dito." sabi sa 'kin ni Sir. "Opo Sir." tugon ko. Pagkalabas ko ng classroom ay nag-chat ako sa GC ng section namin sa Messenger tungkol sa pinag-usapan namin ni Sir Jed. Habang naglalakad ako... *booogsh!* May nabangga akong isang tao dahilan para matumba ako. Sa kasamaang palad ay nabasa rin ako na galing sa aking nakabangga. "Aray!" sigaw ko bigla. "Ano ba! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" dagdag ko pa nang hindi lumilingon sa nakabangga ako. Tinulungan naman ako nito sa pagtayo. "Pasensiya na Miss. Nagmamadali kasi ako." aniya at umalis na siya. Teka, ba't pamilyar yung boses niya? Napatingin ako sa lalaking bumangga sa akin. Nakatalikod siya habang tumatakbo. Kaboses niya ang Presidente ng school na 'to pero imposibleng siya 'yon dahil masyadong casual ang suot ng lalaking nakabangga ko. *** Pagkatapos naming mag-lunch ni Flordeliza ay nagpunta muna kami sa restroom para mag-ayos. "Kung hindi lang mandatory ang pagpunta natin sa gymnasium. Nasa bar na sana ako ngayon kasama si Angelo." nakasimangot na sabi niya. "Hindi naman siguro tayo magtatagal ro'n. At isa pa, pagkatapos nating mag-attendance ay aalis agad tayo dahil kailangan ko pang bisitahin ang kapatid ko." ani ko. "Kumusta na pala si Vein?" tanong ni Flordeliza. "Nasa hospital pa rin siya. Hindi ko pa alam kung kailan siya makakalabas." sagot ko. "Kailan mo ba siya balak ipa-opera Veiled?" tanong pa niya. "Hindi ko pa alam kung kailan. Pero nag-iipon na ako para sa pagpapa-opera niya." "Sana gumaling na ang kapatid mo. Kung kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako Veiled. Tutulungan kita hanggang sa makakaya ko." - Flordeliza "Salamat." tugon ko. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan kagaya ni Flordeliza. Pagkatapos naming mag-ayos ay lumabas na kami ng restroom at pumunta sa gymnasium. - GYMNASIUM - Pagkarating namin sa gymnasium ay dagsa ang mga estudyante sa loob. Halos puro babae lahat ang mga estudyanteng umattend dito. "Gosh Brandon and Bea, excited na akong makita silang tatlo. Ang F4 ng Dela Cruz University." narinig kong sabi ng isang babae na halatang kinikilig. "Ako rin Missy. Kahit mga daddies na sila ay ang gwapo at hot pa rin nila. Waaaa! Fafa William my loves." kilig na kilig na sabi ng isa pang babae. Ito siguro yung Bea. "Me too, basang-basa na ang pepe kong makita ang Fafa Ezekiel ko." narinig kong sabi ng isang *ehem* bruskong lalaki. Ito yung Brandon na Brandi sa gabi. Hahahahaha! "At 'wag niyo ring kalimutan si Fafa Fred. Single siya ngayon kaya may chance akong mapaakin siya. Bwahahaha!" sabi nung Missy. "As if namang papatulan ka niya. Masyado ka pang bata para sa kanya at hindi ka gano'n kaganda para patulan niya." sabi nung Brandon kay Missy. "Aray ko naman Brandon. Sapul ako ro'n ah. Pero mas maganda pa rin ako sa 'yo bruha ka!" sabi nung Missy kay Brandon. "Pero ano kaya ang nangyari kina Sir Fred at sa asawa niya. Sa totoo lang, perfect family na sila. Parang nasa kanila na yata ang happily ever after na gusto ng karamihan. Pero hindi ako makapaniwalang naghiwalay na silang dalawa." ani nung Bea. "True, hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang paghihiwalay nilang dalawa. Even his friends ay hindi alam ang kadahilanan ng pangyayaring 'yon." sabi nung Brandon. Ilang saglit pa ay dumating na ang Presidente ng Dela Cruz University na si Fred Dela Cruz kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina William Crawford at Ezekiel Willford. "KYYYYAAAAAAAAAAAAAAAA!" tilian ng mga estudyante na sobrang nakakabingi. "Gosh Veiled. Ang pogi talaga nilang tatlo lalo na si Sir Ezekiel." kinikilig na sabi ni Flordeliza. "Wazzup wazzup Dela Cruz University!" sigaw ni Ezekiel Willford. Teka, anong meron? Concert ba 'tong pinuntahan ko? May pa-wazzup wazzup pa talaga. Sumayaw ang tatlong unggoy--este respetadong lalaki sa school na 'to ng sexydance. Mukhang nagsasayang lang ako ng oras dito. "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" mas lalo pang lumakas ang tilian ng mga babae at lalaki nang maghubad ng damit ang tatlo. Saktong 'Take Your Shirt Off' ang kanta. "Sinong may gusto ng t-shirt namin?!" sigaw ni William Crawford. "KYYYAAAAAAAAAAAAAAA!" mas malakas ang tilian sa gawi namin kaya napukaw ng tatlo ang atensyon namin dito. Syempre hindi ako kasali sa tumili. Isa-isang binato ng tatlo ang t-shirt nila. Yung kay William Crawford ay nasalo ni Brandon na inamoy-amoy pa. Yung kay Ezekiel Willford naman ay nasalo ni Flordeliza kaya tuwang-tuwa ang gaga. Pero muntikan na akong matumba nang may bumato sa aking mukha. Gosh amoy pawis naman nito! Sinong peste ang bumato sa akin! Kinuha ko ang binatong bagay sa aking mukha at tinignan ito. T-shirt pala ni Fred Dela Cruz. Teka, ito yung suot ng lalaking nakabangga ko kanina. Ibig sabihin ay si Fred Dela Cruz ang nakabangga ko kanina? Shoot! I'm dead. [FRED'S POV] Pagkatapos ng ginawa namin ay pumunta na kami sa backstage para magbihis. "Woooh! That was a hot performance." narinig kong sabi ng asawa ni Ezekiel na si Lauren. "Sayang dahil libre lang kayo pinanood ng mga estudyante. Kung may entrance fee lang sana, I'm sure milyon na ang nalikom ninyong tatlo." sabi naman ni Danielle. "That's a great idea girl. Pero teka, saan natin gagamitin ang perang nalikom kung mangyari man 'yon?" tanong bigla ni Lauren. "Sa charity. Marami tayong matutulungang tao kapag binigay natin ang pera sa kanila." sagot ni Danielle. "Great! Gawin natin 'yan as soon as possible. Pero sa susunod ay kasama na natin si Rissey." - Lauren Natigilan ako nang marinig ko ang pangalang 'yon. Hindi lang yata ako kundi pati na rin sila. Biglang sumama ang pakiramdam ko dahil do'n. "Oops! Sorry Fred kung nabanggit ko ang pangalan niya." ani Lauren. "Kumusta na kaya sila Rissey sa Amerika? Hindi man lang siya tumatawag sa atin." Lumungkot ang boses ni Danielle habang sinasabi niya 'yon. Ang tinutukoy ni Danielle na 'sila' ay ang mga anak namin ni Rissey. Kung alam lang nila ang totoo. [VEILED'S POV] Bago ako pumunta sa hospital para bisitahin ang kapatid kong si Vein ay nagluto muna ako ng pagkain para sa aming dalawa. Pagkatapos no'n ay binisita ko na siya sa hospital. Tumagal ng dalawang oras ang biyahe dahil traffic. Nang makarating ako sa room niya sa hospital ay natigilan ako dahil may mga doctor at nurses doon sa loob. "Dito lang muna kayo Ma'am. Bawal po muna kayong pumasok." pigil sa 'kin ng isang nurse. "Anong nangyayari sa kapatid ko nurse?" alalang-alala kong tanong. "Bumagsak bigla ang heart rate niya Ma'am. Nag-aagaw buhay po siya." sagot ng nurse. Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil do'n. Agad akong nagdasal sa Panginoon na sana ay iligtas niya ang kapatid ko. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na yung doctor. "Kumusta na po ang kalagayan ng kapatid ko, doc?" tanong ko sa doctor. "Tatapatin na kita Ma'am. Malala na ang kondisyon ng kapatid mo. Ang tanging paraan na lang para gumaling at mabuhay siya nang matagal ay ang mag-undergo siya sa isang transplant surgery sa lalong madaling panahon. Sad to say na unavailable ang transplant surgery dito sa hospital namin dahil sa kakulangan ng mga kagamitan dito." paliwanag ng doctor. "A-ano pong ibig niyong sabihin, doc?" nababahala kong tanong. "Kailangan nating ilipat ang kapatid mo sa iba pang hospital na available ang transplant surgery. Mostly sa mga mamahaling hospital available ang ganitong surgery." sagot ng doctor. Nanghina ako bigla dahil sa aking narinig. Tila ay nawalan ako ng pag-asa kahit may isa pa. Ito na lang ang pag-asang pwedeng sumalba sa buhay ng kapatid ko. Kahit labag sa kalooban ko ay gagawin ko. Mas mahalaga ang buhay ni Vein kaysa rito. Pasensiya na Nay at Tay kung kailangan kong gawin 'to. Para 'to sa kapatid ko sa ayaw man at sa gusto niyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD