Chapter : Four

1142 Words
Nathalia's POV Nasa cafeteria ako ngayon at kasulukuyan kong hinahanap si Raiyne. Nagpaalam din ako kay Hades kanina na hindi ako makakasabay sa kanya ng lunch kaya break time na lang kami nagsabay. "Thalia dito!" Someone shouted from the seats at alam ko namang si Raiyne yun. Nang makita ko kung saan sya nakaupo ay agad kong tinungo iyon. "Uy, pahingi!" Bungad niya sakin nang makaupo ako. "Psh, bakit di ka kay kuya Giovann humingi?" Pagtataas ko ng kilay. "Wag nga natin siyang pagusapan." Aba ang gaga umirap pa, feel na feel ang pagiging maganda amp. "Problema mo? LQ kayo?" Maintriga kong tanong habang nakangiti dahil nakabusangot siya. "Wala ngang kami, LQ pa?" Ay, bakit parang may hinanakit ang ate mo HAHAHAHAHA. "Awts wawa." +×+ "Hoy basta mamaya ah!" Paalala sakin ni Raiyne. May special gig kasi kami ngayon at ang ibig sabihin lang nun ay may trabaho na naman kami sa bar. Di naman siya yung regular parang sasayaw lang kami ngayong araw for one hour then tapos na. Parang easy money na mas pina-easy pa. "Oo na! Gusto mo para sure magsabay pa tayo eh!" Sagot ko rito habang inaayos ang mga gamit ko para sa next subject na papasukan ko. "Talaga! Dahil baka indianin mo na naman ako no! Hihintayin kita sa may gate para wala kang kawala." Sambit nito bago ako tinignan ng masinsinan at naglakad papalayo. Wow leader lang ampeg? Pero in fairness excited na din ako mamaya dahil makikita ko ulit si Sol hihi. Sana lang ay pumunta siya. "Tala!" Napalingon ako kasi may tumawag sa akin at nung tinignan ko kung sino ay si Hades pala 'yon. "Uy Hades!" Nang makaabot siya sa kinatatayuan ko ay huminto siya sa harapan ko. "Sabay na tayong pumasok." Oo nga pala halos magkaparehas lang pala ang schedule namin kaya halos lahat ng subjects ay magka-klase kami. "Sige." Tugon ko bago kami nagsimulang maglakad sa classroom. Medyo tahimik na ang hallway dahil nga nagsimula na ang afternoon classes. May mga iilan na nasa hallway pa rin at binabati pa nila ako dahil isa nga ako sa mga student council. "Vice Pres., may party daw mamaya ah. Sasama ka ba?" Tanong ni Mark na nakasalubong namin. Nakilala ko siya dahil isang beses na akong naging manager ng basketball team ng school at isa naman siya sa mga varsity namin. "Di ako sure eh, pero ita-try ko." Nginitian niya ako at tinanguan na lang bago nagpatuloy sa paglalakad. "Sikat ka pala talaga no? Lalo na sa mga lalaki." Komento ni Hades kaya napatingin ako sa kaniya. Nagseselos ba siya? Char, kapal naman ng mukha ko. "Hindi naman haha." Actually hindi ko naman talaga iniisip na sikat ako. Aanhin ko naman kasi yun, mababayaran ba non ang tuition ko at bills ko buwan-buwan? "Parang lahat nga ata dito ka-close mo eh." Nu-uh. Hindi yan totoo. I mean medyo friendly ako pero syempre pinipili ko pa rin ang mga ka-kaibiganin ko. Mahirap na haha. +×+ "That's all for today, class dismissed. Don't forget to submit your assignments tomorrow." Sabi ng teacher namin sa Chem habang nililigpit yung gamit niya. Kasalukuyan na din akong nagliligpit ng mga gamit ko nang marinig kong magsalita si Shin sa tabi ko. "Nathalia, pwede ba ulit kitang ihatid ngayon?" Tumingin naman samin ang mga kaklase namin habang may mga ngiti sa labi nila. "Uy! Si Hades pumaparaan na agad kay Vice President!" Asar ni Yohan na ikinatawa ng mga iba pa naming kaklase. "Ang bilis mo naman pareng Hades." Saad naman ni Vincent na ka-row namin. "Kaso parang nabihag na ni Mr. Secret Admirer ang puso ni Vice Pres. eh." "Ang issue niyo talaga!" Ang tanging nasabi ko na lang sa mga pang-aasar nila. "Sorry Shin ah, sa kaibigan ko kasi ako sasabay ngayon eh." +×+ Third Person's POV "Sorry Shin ah, sa kaibigan ko kasi ako sasabay ngayon eh." Saktong pagkasabi nun ni Tala ay may kumatok sa pinto ng room nila. "Ms. Montenegro?" Napalingon ang lahat sa pinto pati na rin si Hades at nakita nila ang isang matipunong lalaki na nakatayo sa pintuan. His height is a little bit smaller compared to Hades but his presence and aura is very intimidating. "Hello po Mr. President." "Mr. President!' Bati ng mga kaklase nila sa lalaki. 'Ah siya pala yung President namin. Pero bakit hinahanap niya si Nathalia? Siya ba yung tinutukoy niyang kaibigan?' Hades thought while looking on him. "Mr. President." Nagmamadaling kinuha ni Nathalia ang bag niya bago naglakad papunta sa lalaki. Nang mawala na sila sa paningin ni Hades, tsaka lang siya nabalik sa reyalidad. "Sila ba?" Hades blabbered. "Uy nagseselos, HAHAHAHAHA." "Hindi no! I heard ginagawang tulay ni Mr. President at Ms. Secretary si Vice Pres para mapalapit sa isa't isa." Ashley shouted. "Ay weh? Pansin ko din na parang may chemistry silang dalawa. Gagawa na ba ako ng fansclub?" Intrigang tanong ni Clara habang nagre-retouch ng make-up. "Ay sige tapos I'll be your vice president naman." "Hey, ako kaya. Diba best friend Clara?" Hindi na pinansin ni Hades ang mga kaklase at nagmadaling lumabas ng classroom sa pag-asang makikita pa sila. And when he went out, he saw Nathalia and the president stopped at the gate to meet a girl. "Baka yun yung secretary." And with that in mind he was relieved. +×+ Nathalia's POV "Oh bakit kasama mo pa 'yan?" Bulong sakin ni Raiyne nang maka-abot kami sa gate ni kuya Gio. "Usap daw tayo about sa program para ngayong buwan." Tipid kong sagot habang naglalakad kaming tatlo papunta sa bench. "Baka naman matagalan pa tayo mamshie, tandaan mo may shift tayo ngayon." "As I was saying, bakit hindi natin gawing mas special ang pagpili ng mga clubs ngayong taon? Based on school statistics, tumaas ang bilang ng transferees by 25% compared last year." Rinig kong saad ni kuya Gio nang makaupo na kami. "'Yan lang naman pala ang sasabihin mo may pa ganito ganito pa. Pwede namang sa gc na lang pagusapan." Mahinang bulong ni Raiyne sa tabi ko na halatang halatang ayaw makasama si Mr. Pres. "Are you saying something Ms. Figueroa?" Seryosong tanong ni Mr. President kaya naman bigla din kaming nagseryoso. "Ang akin lang naman Mr. President, maganda naman po ang idea niyo pero pwede naman sigurong pag-usapan na lang sa gc o kaya sa susunod na araw. May kailangan pa kasi kaming puntahan ni Tala na sobrang importante kaya hindi po ma-a-accomodate ng oras nakin ngayon ang biglaang meeting." Paglilitanya ni Ulan. Para talaga sa pera gagawin lahat nito eh, char. Tumingin naman ako kay kuya Gio at parang nagiba na ang timpla nito. He just nodded and sighed before removing his specs. Tiklop agad? Hina talaga nito pagdating kay Ulan. "I guess we'll just have this meeting tomorrow, after school. Put that in our schedule Ms. Figueroa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD