Chapter 4

1463 Words
Ayen's POV: Dinig na dinig ko ang hiyawan, asaran at kulitan ng lahat. Ramdam ko rin ang malamig na hangin na tumatama sa pisngi ko na nag mumula sa aircon. "Bakit kaya tahimik 'yung class President at SSG President. May LQ?" masama kong tinignan si Range sa sinabi n'ya na kinatili naman ng mga ka-klase namin. "Shut the f**k up, Sarmiento." nag katinginan pa kami ni Rye ng sabay naming sabihin 'yun pero ka agad din kaming nag iwas ng tingin. Ewan ko ba pero bigla akong na i-ilang kay Rye, nag simula 'yun nung mag kasama kami sa canteen. Lalo namang lumakas ang kantyawan at hiyawan ng mga ka-klase namin. Akala ko magiging tahimik ang byahe ko papunta sa gubat pero ka-sasakay pa lang namin ay kami na ang pinag tripan ng mga 'to. Katabi ko si Rye ngayon, ako 'yung nasa window side. Bakit ba kasi hanggang dito ay naka alphabetical? hindi ko tuloy naka tabi si Theon na nasa gawing likuran namin. "Tumingin sa 'king mata... mag tapat ng nadarama.... Di gusto ika'y mawala dahil handa akong ibigan ka... Kung maging tayo... sa'yo lang ang puso ko..." Narinig ko pa ang magandang boses ni Range na may halong nakakalokong ngiti habang nakatingin sa 'min. Inirapan ko s'ya pero lalo lang itong ngumisi. "Pwede ba Orange Juice manahimik ka. Mas malakas ka pa dun sa Speaker." Inis namang saway ni Kei kay Range na katabi nito sa kabilang side kung saan ay nakatapat sa 'min. Nakita kong napatingin sa 'kin si Kei at inirapan naman ako nito. I don't know what's wrong with that kid. Mukang ma init ang dugo n'ya sa 'kin ever since. Isa pa bakit kaya hindi mag katabi si Kei at si Rye. Di ba dapat pinilit n'yang makatabi 'yung GF n'ya? Sure ka bang GF n'ya si Kei? Bulong ng konsensya ko. Na babaliw na ata ako at pati sarili ko ay kina ka usap ko na. Mas okay ng katabi ko si Rye kesa kay Range. Solid hokage kasi 'yang si Range, ito namang si Rye kahit papano ay hindi naman galawang breezy. Nag init ang mag kabila kong pisngi ng ma alala 'yung nangyari sa CR. Sobra ang hiya ko nun. Akala ko talaga kung ano ng gagawin n'ya sa 'kin, buti naman at wala pero he saw the color of my bra. Nakakahiya talaga. Hindi ko napigilang linungin si Rye at nakita ko s'yang nakapikit habang nakasandal 'yung ulo at nakikinig sa music. Gwapo talaga 'tong Alien na 'to. Ganda kasi ng mata n'ya lalo na pag tumatawa. Kung ikukumpara nga sila ni Theon, si Theon 'yung boy next door, si Rye naman 'yung parang modelo sa sobrang hot. Na iwilig ko ang ulo sa kung ano anong pumapasok sa isip ko. Ano ba Ayen pati ba naman Alien pinag papantasyahan mo? Kinuha ko na lang din 'yung Cellphone ko at nakinig ng kanta. "Stop that,Range." "Last na 'to." "Rye wak--" "gusto mo talagang matikman labi ko noh?" Bahagya akong na alimpungatan ng marinig ko ang pamilyar na boses na nag tatalo. "what the.. hindi kaya. Go ahead. Do whatever you want. It just a picture." Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si Range at si Kei sa harap ko. Kunot noo ko silang tinignan. Simangot ang muka ni Kei samantalang nakangising aso naman si Range. "What--aray!" napahawak ako sa noo ko ng tumama ito sa matigas na bagay ng akmang babangon na 'ko. Napatingin ako kung saan ako tumama at nakita ko si Rye na nakahawak sa noo habang pupungas pungas. Halos ma patalon pa kaming dalawa sa gulat ng makita ang isa't isa. "C'mon lovers. Nasa baba na silang lahat, mamaya na kayo matulog." nakangising sabi ni Range na kina tango ko lang. "Ry--" "Tara na Cyan." pinutol ni Range 'yung sasabihin ni Kei ng kaladkarin n'ya ito pababa ng bus. Nag katinginan kami ni Rye ng gapangan ako ng kakaibang kaba na nag papabilis ng t***k ng puso ko. Mas mabilis pa ang t***k ngayon kesa sa tuwing nakikita ko si Theon at sa tuwing pinapalo ako ni Mommy. May kung anong ding umiikot sa sikmura ko na parang gusto kong ma tae. Ano bang nangyayari sa 'kin? Na mamaligno ba 'ko? "Ryan!" nag ka hiwalay ang mga tingin namin sa isa't isa ng hatakin ni Kei si Rye palabas ng Bus. Masama pa akong tinignan ni Kei bago ito tuluyang bumaba. Kinuha ko na lang 'yung mga gamit ko at bumaba na rin. Nakita ko naman ang lahat na nilalagay ang mga gadgets at cellphone dun sa isang box. "I text n'yo na lahat ng i te-text n'yo. You are not allowed to use your phone habang na sa camping tayo." sigaw ni ma'am suzy. Mabilis ko namang tinext si manang na nakarating na ako rito. Si manang lang naman ang may care sa 'kin. Mom and Dad can live without me, mas mahalaga pa sa kanila 'yung pulitika at negosyo nila kesa sa sarili nilang anak. They didn't even know na nag transfer ako sa public school. Nilagay ko na sa kahon 'yung cellphone ko. Nang matapos ay hinati kami sa Limang grupo. And for the first time ay hindi nila ako ginawang leader na kinatuwa ko. Finally, makakapag relax naman ako kahit papaano. Si Range ang naging Leader ko and what makes it interesting ay naging mag ka group kami ni Rye. Ito ang unang camping namin at ito rin ang unang magiging nag ka group kami ni Rye. So that means ay walang kompetisyon sa pagitan namin. We need to help each other para manalo sa mga activities. Si Theon naman ay naging leader ni Kei. Sayang, sana si Theon na lang din 'yung naging leader ko but its okay. Matalino rin naman 'tong si Range wag lang uunahin ang kalandian sa katawan. Gumawa muna kami ng tent after nun ay nag simula ng mag pa laro si ma'am suzy. May obstacle game kung saan ay dadaan kami sa mga gulong then ipapasa 'yung flag namin hanggang sa makarating sa dulo. May mga umakyat pa nga sa puno para abutin 'yung mga letters tapos binubuo naman naming mga nasa baba. This is really fun. Nag eenjoy talaga ako kahit unang araw pa lang namin dito. "Tug of war naman tayo." sabi ni ma'am suzy. mabilis kaming inayis ni Range, nilagay n'yang yung mga babae sa gitna tapos sa harapan at likuran 'yung mga lalaki. Nakakaloko pang ngumiti si Range sa 'kin bago pumunta sa likuran. Doon ko lang din na pansin na nasa likuran ko pala si Rye. Ngumiti ito sa akin ng ubid ng tamis at ewan ko ba kung bakit nakaramdam na naman ako ng pag ka init ng mag kabilang pisngi at pag wawala ng puso ko. "Hatak!" napabalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman kong nahihila na 'yung kubid namin. Mabilis naming hinatak 'yun kahit malakas 'yung nasa kabila. "Orange Team! Hatak!" sigaw ni Range at sabay sabay naming hinila 'yung lubid and finally we did it. Napa upo kaming lahat ng mahila namin ang lubid mula sa kalaban pero hindi ako sa lupa bumagsak kung hindi sa mga bisig ni Rye. Naka yakap ito sa mga bewang ko habang naka alalay ang isa n'yang kamay sa ulo ko. Inalalayan n'ya ko? Narinig ko ang tilian ng mga tao kaya naman nag mamadali akong tumayo. Tumayo na rin ito at pinag pag ang suot n'yang damit bago ako tinignan. "Ayos ka lang?" "Y-yeah." s**t! bakit bigla akong na utal? I can't even look to his eyes. Pakiramdam ko kasi ay aatakihin na naman ako sa puso. Na pako ang atensyon ko sa dumu dugo nitong siko na puno ng lupa. "May sugat ka." untag ko rito. napalingon s'ya sa duguan n'yang siko at pinahid iyon ng kamay n'ya. "Ma'am Anne paki gamot naman 'yung sugat ni Ryan." utas ni ma'am Suzy. Muli akong nginitian ni Rye bago ito lunapit kay Ma'am Anne. "Ayiiieeh! ang sweet ni Ryan sa'yo." kinikilig na bulong sa 'kin ni Amy, classmate namin. "Gagawin n'ya 'yun sa kahit na sino." sagot ko kay Amy na ikina iling n'ya. "He change alot, Ayen. Di ko alam kung manhid ka ba o manhid lang talaga." na iiling na nakangiti pa nitong sagot sa'kin at nag lakad pa balik sa mga team mate namin. Napalingon ako sa kinalalagyan ni Ryan at nakita ko itong naka ngiting naka tingin sa akin. Ka agad akong nag iwas ng tingin dahil sa kaka ibang nararamdaman ko. I hate this feeling, the abnormal palpitation of my heart and the butterflies in my stomach. What the hell did you do to me, mister Ferrer? _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD