Ayen's POV:
"I have died everyday waiting for you... Darling don't be afraid, I have loved you... for a thousand years.. and I will love you.. for a thousand more--"
"Ayen." napahinto ako sa pag kanta at pag gigitara ng dumating yung proctor namin sa Music, ok na sana kaso nakita ko na naman yung taong sumisira ng araw ko.
"May bagong compose na kanta si Ryan. I want you and Ryan to play it together. Okay ba?" nag pa-palit palit ang tingin ni Sir sa 'ming dalawa dahil halata naman na ayaw namin makasama ang isa't isa.
Can I say no? Ayoko talagang nakakasama si Rye dito sa music room. Nabibingi ako sa katahimikan naming dalawa.
"C'mon guys. Be professional i-disregard n'yo muna 'yang LQ n'yo." natatawang sabi nito but wait ano daw?
"LQ?" sabay pa naming sabi ni Rye na lalong kinalakas ng tawa ni Sir.
Masama ko s'yang tinignan pero nang iinis naman n'ya ko nginitian.
"No doubt pag dumating ang panahon na kayo ang mag katuluyan. It will be a perfect match and you will be a Perfect Couple."
"Over my dead gorgeous body!" mataray kong tugon sa sinabi ni sir.
"may dead gorgeous body bang flat chested?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alien at otimatikong napatakip sa dibdib ko.
"Hindi kaya!" pag po-protesta ko sabay tingin sa aking hinaharap. Sakto lang naman ang laki nito. bastos talaga ang alien na 'to kahit kailan.
Pasipol sipol naman s'yang tumingin sa akin n kin singkit naman ng mga mata ko. Binato ko ito ng drumstick pero na salo n'ya lang iyon.
"pervert."
"Wala namang ma-manyakin sa'yo." nakangisi pa n'yang sabi. Kakalbuhin ko yung buhok n'ya sa baba ng mabawasan ang kamanyakan niya ee. Kainis!
"Nako! Tumigil na kayong dalawa pag aralan n'yo yung pyesa ng kanta. Ma una na ako at marami pa ako gagawin." Tumalikod na si sir pero bago ito umalis ay tinapik muna nito si Alien sa balikat.
"Hinay hinay lang bata."sabay tumawa pa ito ng malakas na kina tango naman ni Alien.
"Bwisit. Ikaw na naman ang kasama ko." Tinalikuran ko ito at muli kong kinalabit ang mga string ng gitara.
"We are born to be together, Ai." Masama ko s'yang tinignan sa sinabi n'ya.
"We are born to hate each other, Rye." Tumawa naman ito sa sinabi ko habang nag lalakad palapit sa 'kin.
Umupo ito sa tabi ko at inagaw 'yung gitara.
"Bastos ka talaga. Kita mong gina--"
"Basahin mo 'yan." sabay bato sa muka ko ng note book n'ya.
"Pwe! Ang baho ng note book mo. Kasing baho mo." pang aasar ko rito at nag tagumpay ako dahil nakita kong naningkit ang mga singkit n'yang mata.
"Sige amuyin mo kung mabaho." pilit nitong pina pa amoy sa 'kin yung suot n'yang damit pero lumayo ako.
"Tumigil ka nga. Mahuhulog ako." kasi naman todi lapit s'ya ee maliit lang yung sofa dito.
"Amuyin mo kung mabaho at ipag lalaba pa kita ng damit." inis na utas n'ya na kinakatawa ko. Ang totoo hindi naman s'ya mabaho. napaka natural ng amoy n'ya and I have to admit it, nakaka attract yung manly scent n'ya na hinaluan pa ng isang pabango. Its a perfect combination.
"Rye ano ba mahuhulog a--" napatigil ako ng malaglag ako mula sa couch kaya masama ko s'yang tinignan na kinatawa n'ya naman ng malakas.
"Epic fail." masayang masaya talaga tong alien na 'to pag na sasaktan ako ee.
"Epal ka talaga!" pinag hahampas ko s'ya ng ng note book na hawa ko at panay naman ang aray n'ya.
"Tama na Ai! Masakit. Uy. Tama na. aray ko."
"Bwisit ka sa buhay ko. Epal ka na mayabang ka pa. Abnormal na Alien na manyakis." Gigil ko tong hinampas pero nag tatakbo na ito sa buong kwarto.
'Yan ang nakakabinging katahimikan pag kami ang mag kasama. Na ha-high blood ako ng wala sa oras sa ka n'ya.
"Pikon." natatawa nitong sabi na lalong nag papakulo ng dugo ko. Mabilis ko s'yang na abutan at na hablot ko ang buhok n'ya sinabunutan ko ito sa gigil at inis ko ng mag biglang pumasok.
Kaagad naman akong napa bitaw kay Rye ng makita ko si Theon.
"Theon!" gulat na untag ko pa rito na nakatingin pa rin sa 'min ni Rye.
"Mukang na istorbo ko ata kayo."
"Hindi."
"Oo." sabay pa naming sagot ni Rye kaya siniko ko ito na lalong kina simagot ng muka n'ya.
"Aray! brad ok lang HINDI ka naman nakaka istorbo. hindi talaga." sarkastikong sagot ni Rye kaya pinanlakihan ko pa ito ng mata.
Kaya Epal na Alien ang tawag ko sa ka n'ya ee. Masyadong panira ng moment namin ni Theon.
"Wag mo intindihin 'yang si Rye. Lumuwag kasi turnilyo n'yan sa utak. Ano pala pinunta mo rito?" Hindi naman kasi musician si Theon kaya wala s'yang gagawin dito sa music room unless mag tatapat n s'ya ng pag ibig sa 'kin.
"Ano kasi.." hinintay ko naman yung susunod nitong sasabihin. Para tuloy nag nining ning yung mata ko habang nakatingin sa ka n'ya. Eto na yun. This is it! Aamin na s'ya.
"May meeting kasi ang officer para sa camping." literal na napa nga nga ako sa sinabi n'ya. Hindi ako ang sinadya n'ya rito? at lalong lalo na hindi pa s'ya mag tatapat ng pag ibig sa 'kin. Kalma Ayen baka sa Foundation day pa s'ya mag tatapat sa'yo o kaya naman sa year end party pwede rin naman sa graduation para havey ang pag po-propose n'ya sa 'kin para maging Girlfriend.
"Ahehe.. ganun ba?" tumango naman s'ya sa akin pero ang mas nakaka inis ay ang mahinang pag tawa nitong si Rye.
"Tara na mag meeting." Na una ng lumabas si Theon bago sinundan ni Rye pero bago n'ya isara ang pinto ay bingyan pa ako nito ng nakakalokong ngiti.
"Wag ka ng umasa busted ka." humagalpak pa ito sa sobrang tuwa at ako naman ay gigil na gigil sa ka abnormalan n'ya. Bwisit! Mag hintay ka lang Ryan Jay Ferrer may araw ka rin sa'kin.
Mag isa akong pumunta ng cafeteria ng maramdaman ko ang pag kalam ng sikmura ko at ang pag wawala ng mga alaga ko sa t'yan. Pag pasok ko pa langbsa loob nito ay amoy na amoy ko na 'yung paboritong cheese burger na may chili sauce at bacon.
Nag mamadali akong pumunta kay aling martina para umorder ng isang special burger. Narinig ko ang pag kulo ng t'yan ko at nag lalaway na rin ako sa sobrang gutom.
"Isang Cheese Burger with chili sauce and bacon at padagdag na rin ng coleslaw." napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun. At talagang nakipag duet pa s'ya sa 'kin sa pag order.
Naka ngising nag kibit balikat ang impakto.Gaya gaya ng order.
"Mga batang ito talaga." na iiling na natatawa naman si aling martina na ginawa ang order namin. Hindi ko kinibo ang Alien sa tabi ko at na iinis ako makita ko pa lang ang muka n'ya.
Tahimik lang din naman s'yang nag abang ng order namin. Himala may lagnat ata s'ya at hindi n'ya ko ini insulto ngayon. Mabuti nga 'yan Ayen walang gugulo sa araw mo ngayon.
"Two Cheese burger with chili sauce and bacon with extra coleslaw for a perfect couple." masayang sabi ni aling martina na kina ngiwi ko naman.
"Thanks po." sabay kindat pa ni Rye kay aling martina.
Maraming bakanteng upuan kaya hindi ako nahirapan makahanap ng pu-pwestuhan. Umupo na ako sa favorite spot ko kung saan ay matatanaw yung garden ng school.
Akma ko namang isusubo ang binili kong burger ng may umupo sa tapat ko at nkakaloko s'yang ngumiti sa 'kin na kinataas ng kilay ko. Mukang mali ang sinabi ko kanina na walang gugulo sa'kin ngayon.
"Haller mister Ferrer, ang daming vacant seat. Dito mo pa talaga na isip umupo? nang aasar ka ba talaga?"
"My favorite spot. Miss Fuentabella." sabay kindat nito sa'kin Napa buntong hininga na lang ako sa sinabi n'ya.
Is it a coincidence na lahat ng gusto ko ay gusto n'ya rin. From my favorite color upto my passion ay parehas kami ng hilig. Pati na rin ang na iisip ko ay madalas tugma sa na iisip n'ya.
Napatingin ako sa ka n'ya habang kumakain. He had that firm and manly shaped of face with a pair of olive eyes, a good shape of his nose that suits to his firm face and a red and kissable lips.Gwapo rin naman pala ang isang to kaya pala marami ang nag kakagusto sa ka n'ya but not me. Masyadong magaspang ang pag uugali n'ya para sa 'kin.
"Wag mo ko titigan baka matunaw naman ako n'yan."
"Huh?" bigla akong nakaramdam ng pag ka init ng mag kabila kong pisngi at pag gapang ng kakaibang kaba na nag papakibos ngayon ng t***k ng puso ko.
Narinig ko ang mahinang pag tawa nito na unti unti ng lumalakas.
"para kang sasabog na kamatis sa sobrang pula." kasabay nun ang malakas n'yang pag tawa na nakakuha ng atensyon ng marami. Napahawak ako sa pisngi ko at masama s'yang tinignan.
"leche! hindi naman." sunod sunod kong kinagat yung burger sa kahihiyan. Do I really blushed? at sa harap pa ng abnormal na m******s na 'to? Gosh! I can't believe.
Bigla naman akong napa ubo ng may bumara sa lalamunan ko. Nag mamadali naman si Rye na inabot ang tubig sa 'kin at tumayo pa ito para hinimasin ang likod.
"Ayos ka lang?" Tumango ako rito ng makahinga ako ng ma ayos. Kita ko naman ang pag aalala sa muka n'ya. May concern din pala to sa'kin kahit minsan. Not that bad.
"Good. Next time mag ingat ka." sincered na sabi nito habang nakatingin sa 'kin.
May kung anong humaplos sa puso ko ng sabihin n'ya yun.Its a warmth feeling na para akong lumutang sa ulap.
Ok Ayen kalma. Tao rin naman 'yang si Rye kaya may puso pa rin. Wag ng paranoid. Kinuha n'ya ang bag n'ya at tumayo na. Nag simula na itong nag lakad pero bigla itong huminto at lumingon sa 'kin.
"Take care of yourself because if you can't, I will." seryosong sabi n'ya na nag patulala sa 'kin at kasabay nun ang pag ring ng bell.
_____
SNS Account:
FB Account: Ash Sandejas
Twitter: CreepyPervy
Wattpad: CreepyPervy