"Y-YOUNG MASTER? A-Ano'ng ginagawa mo rito? Saka bakit may hawak kang baril?" Dahil sa kabang sumalakay kay Haenna Mae ay nautal-utal siya. Nagising pa naman siya mula sa mahimbing na pagtulog dahil sa kalabog. Kaya't dali-dali siyang bumangon upang alamin kung ano ang nangyari. Subalit nabungaran naman niya ang bipolar niyang amo sa sahig. Nasagi nito ang center table kaya't natumba ang flower vase na lumikha ng ingay. "Ako ang dapat magtanong sa bagay na iyan, pangahas ka. Ano ang ginagawa mo rito sa aking silid?" tanong nito. 'Nakainum siya. Maaring inisip niyang ang sariling silid ang napasok kaya't ganoon ang pananalita,' aniya sa isipan. "Akin na muna ang baril, Young Master. Dahil baka makalabit mo iyan," aniyang muli saka inabot ang palad nito. "Talagang kakalabitin ko ito ora

