"HOWS that rascals doing nowadays, Ben? Mukhang iba ang pagkaunawa niya sa ating pagtulong ko kay Haenna Mae," ani Senyor Mondragon. Isang hapon na nasa garden silang dalawa. "Wala namang kahina-hinala sa nga kilos ni Young Master, Senyor. Unlike noong bagong dating tayo ay kulang na lamang ay lamuning buhay ang dalaga," tugon nito. Dahil dito ay napailing-iling siya. Sa tuwing kausap nga niya ang dalagang walang suwerte ay iba ang nakikita sa mata ng nag-iisang apo. "Ben, sa palagay ko ay umiibig ng muli ang apo ko. Ngunit dahil sa naging karanasan sa unang pag-ibig ay natatakot kaya't idinadaan sa pagsusungit," aniyang muli makalipas ng ilang sandaling pagkatahimik. "Ibig sabihin ay natatakot itong muling maloko. Ang Bryce na pinalaki ko ay mainitin ag ulo ngunit hindi kagaya nakikit

