"IDINAOS na natin ang ika-eighteenth birthday ni Precious, balaeng Jacob at balaeng Maria. Legal din silang mag-asawa kahit sa kapitolyo. Sang-ayon ba kayo kung e-suhestiyon kong isapubliko na natin ang tungkol sa tunay nilang estado?" pahayag ni Congressman Buenos sa mag-asawang Jacob at Maria. "Congressman, walang magulang na hindi naghahangad ng magandang kinabukasan ng mga anak. Kabilang na rito ang kaalaman ng lahat na kasal sila. Sa aming mag-asawa ay walang problema. Ang tanong, mananatili pa ba ang taas ng pagtingin ng mga tao sa pamilya ninyo lalo sa iyo na ama ng probinsiya kapag malaman nilang ang manugang mo ay isang anak mahirap? Tanggap ba ng buo ninyong pamilya si Precious? Sa amin ay hindi importante ang estado sa buhay. Dahil alam naman naming magalang at mabait na tao Ro

