"SO, how is it, brother? Mukhang may magandang espiritong sumanib sa iyo ngayon ah. Well, I must say recently. Dahil ilang araw na simula nang napansin kong hindi ka masyadong bugnutin," dinig niyang wika ng matalik na kaibigan. "Sabi mo nga ay mas payapa ang buhay kapag may pag-ibig. Ngunit wala pang resulta as of now. Aba'y kahit dragon ako ngunit may delikadesa pa naman bilang isang lalaki." Kibit-balikat niya. Subalit sa kaloob-looban niya ay nakikinita ang hitsura ng babaeng hindi mawala-wala sa kaniyang isipan. O mas tamang sabihing ang taong nagturo sa kaniya na muling magtiwala sa mga opposite s*x. "Well... Well... Your action proves it all, my friend. Sa palagay ko ay nakahanap na ng dragona. I'm happy for you, my friend," muli ay wika nito. Aba'y ano ang magagawa niya kung ta

