SIERRA'S POV
Nagising ako,dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat.
Tanging ang lampshade lamang na nasa ibabaw ng mini cabinet ni Ninong ang nagsisilbing liwanag dito sa buong kwarto.
Sinilip ko si Ninong at mahimbing pa din ang tulog nito.
Hindi ko alam kung bakit nakasiksik na ito sa aking leeg. Kagabi kasi ay talagang hindi ako makatulog ng bigla na lamang lumakas ang kulog at kidlat at dahil hindi din naman ako sanay sa aircon ay mas minabuti ko na din buksan na lamang ang bintana. Hindi ko na nga ito naisara ng pumunta ako dito sa kwarto ni Ninong kagabi at kahit nahihiya ay kumatok talaga ako.
FLASHBACKS
Paglabas ni Ninong ay agad ko ng pinatay ang aircon.Lumapit ako sa bintana at dahan-dahan na binuksan ito.
Malamig ang simoy ng hangin at tila nagbabadya ang pag-ulan.
Inikot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto at parang kasinglaki na ito ng buong bahay namin sa probinsya. Sa totoo lang ay matagal ko ng hindi nakikita si Ninong DARIOZ. Halos anim na taon na din siguro nang huli ko s'yang makita. Dahil simula ng ikasal si ni Ninang Glaiza ay madalas na itong busy sa kan'yang asawa at sa trabaho nito bilang isang HENERAL.
Noon pa man kapag pumupunta ito sa amin ay may kilig na akong nararamdaman para sa kan'ya. Pero dahil Ninong ko ito at nasa edad katorse pa lamang ako ng mga panahon na palagi s'yang pumupunta sa bahay at nitong huli nga n'ya napunta ay ipinakilala na nito si Ninang Glaiza sa amin ni Itay.
Mabuti nga at nagawa kong itago ang aking nararamdaman na selos noon. Lalo pa at naging malapit din ako kay Ninang Glaiza at naramdaman ko din naman na mabuting babae ito at maalagaan n'ya ng maayos si Ninong DARIOZ.
At mula nang ikasal sila doon na naging madalang hanggang sa wala ng time si Ninong para bisitahin kami ni Itay. Madalas naman ay tumatawag ito at tanging si Itay lang din naman ang nakausap n'ya.
Mas pinili ko kasing h'wag na muna itong kausapin kahit sa cellphone lamang,dahil nasaktan kasi ako ng ikasal ito.
Hanggang sa lumala din ang lagay ng aking puso na halos na hindi na ako nakakapasok sa school. Dahil nga sa sakit ko sa puso. Hanggang sa edad dise-otso ay kailangan ko ng ma-confine sa hospital.Dahil sa nanghihina na talaga ako at kailangan ng agaran na operation para heart transplant ko. At iyon din pala ang mga panahon na naaksidente sila Ninong. At ang puso na nasa akin ngayon ay ang puso ni Ninang Glaiza na s'yang nagdugtong ng aking buhay. Ang pagkawala nito na hindi man lang namin nadamayan si Ninong ng mga panahon na iyon at maging si Itay ay hindi din ako maiwan. Nagpapalakas pa ako ng mga panahon na iyon at kailangan ko si Itay sa lahat ng sandali.
Hanggang sa ngayon ay hindi ko akalain na kukunin s'ya sa akin ng ganoon na lamang. Ilang beses ko s'yang pinilit na sabihin na kay Ninong ang tungkol sa nangyayari sa kan'ya na palagi na lamang itong parang may ini-indang sakit. Pero lagi n'ya lamang na sinasabi sa akin na okay lang s'ya at hindi ko na kailangan pang humingi ng tulong kay Ninong DARIOZ. Pero isang araw na galing ako sa school ay inabutan ko na lamang ito na nakahandusay na sa sahig ng aming bahay ay halos wala na itong pulso. Pasalamat na lamang ako,dahil sa may mababait akong mga kapitbahay na agad akong tinulungan para maitakbo si Itay sa pinakamalapit na hospital. Halos hindi pa ako nakakapagpalit ng uniform at pagod na din ako sa school. Pero sa nangyayari kay Itay ay parang hindi ko na iniinda pa ang pagod ko ng mga araw na iyon at wala akong ibang maisip na tawagan at hingian ng tulong ng mga oras na iyon ku'ndi si Ninong lamang.
Nang tawagan ko ito ay umiiyak na pala ako at narinig ko pa mula sa kabilang linya na may babae itong kasama at kahit nakakaramdam ako ng inis sa naririnig kong boses ng babae ay mas minabuti ko na lamang na h'wag itong pansinin. Hindi ko naman hiniling na mawala si Ninang Glaiza. Pero nang nawala s'ya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na baka sakaling sa muling pagkikita namin ni Ninong ay mapansin din ako nito bilang isang babae at hindi lamang kan'yang inaanak. Alam ko naman mali ito at pinilit ko naman supilin. Kaya nga mas pinili kong h'wag itong makita. Para mawala na din ang atraksyon ko sa kan'ya.
Nang dumating ito sa hospital nang araw na iyon na isinugod ko si Itay sa hospital ay hindi ako makapaniwala na si Ninong ang lalaking ito. Para kasing sa paglipas ng mga taon ay hindi nagbabago ang mukha nito. Agad akong lumapit dito at yumakap. Sa kan'yang pagdating ay parang kakayanin ko na ang lahat. Pero ina-alala ko pa din si Itay at umasa pa akong magiging maayos pa ang lagay n'ya. Pero sad'yang hindi na nadugtungan pa ang buhay nito.
Hanggang sa mailibing ito ay si Ninong ang nag-asikaso ng lahat-lahat. At ayaw ko na nga sana na sumama sa kan'ya dito sa syudad. Dahil alam kong kapag malapit s'ya sa akin ay hindi ko na naman mapipigilan ang aking sarili na mahulog sa kan'ya.
Pero nang nakiusap ito ay nabasa ko din ang iniwan na sulat ni Itay na si Ninong na ang bahala sa akin ay wala na akong choice ku'ndi ang sumama dito. Kahit pa nga na nangangamba akong baka hindi ko na kayanin pa sa pagkakataon na ito na pigilan ang aking sarili.
Ngayon ay kailangan kong maging matatag sa lahat ng mangyayari. at sa palagay ko ay may girlfriend ata si Ninong. Ang babaeng tinawag n'yang Clara noon. Habang kausap ko s'ya sa cellphone.
Lumapit ako sa aking kama at mas malambot pa ito sa kama ko sa bahay.
Naghanap na muna ako ng aking damit na pantulog at pumasok sa banyo na namangha pa ako dahil napakaraming shampoo at body wash dito. Naghanap ako ng bar soap pero hindi ata ito uso dito. Kaya naman kumuha na lamang ako ng body wash at binuksan ito.
Ang bango naman nito,halata na pangmayaman.
Nag-umpisa akong maghilamos at pagkatapos ko ay nagbalabal lang ako ng tuwalya at nagpalit na ng aking damit na pantulog. Manipis na shorts lamang ito at hindi na din ako nagsuot ng bra. Dahil hindi ko naman ito kailangan sa gabi.
Nahiga na ako sa kama at parang hinila na lamang ako ng antok.
****
Naalimpungatan ako na malakas na ang ulan sa labas at sunod-sunod ang pagkulog at pagkidlat na nakikita ko pa ang kislap.
Nangingilid ang mga luha ko at nanginginig na tumayo ako papunta sa pintuan. Dire-diretso ako na naglakad papunta sa kwarto ni Ninong na itinuro n'ya sa akin kanina.
Ilang katok ang aking ginawa bago ito binuksan ni Ninong at mukhang naalimpungatan pa ito.
Wala itong suot na damit pang itaas at tanging pajama lamang ang kan'yang suot.
Hanggang sa muling kumidlat at kumulog at napayakap na ako kay Ninong,dahil sa takot ko. Simula bata pa ako ay takot na takot na talaga ako sa kulog at kidlat. Kaya nga school noon ay problemado ang teacher sa 'kin. Dahil nanginginig ako at hindi tumitigil sa pag-iyak. Hanggang sa makikita ko na lamang noon si Itay na nasa harap na nang pinto ng room at sinusundo ako. Kaya nga napakalapit ko kay Itay.
Nakiusap ako kay Ninong na dito na matutulog sa kan'yang kwarto at nang naglambing pa ako dito at kumandong. Naramdaman ko tuloy ang naninigas n'yang p*********i. Alam ko naman na iyon ang tumutusok sa bandang p'wetan ko. Pero nagkunwari akong his ni ko ito alam. Ayaw ko naman na mailang ito sa akin.
Nang utusan akong bumaba nito sa kan'yang kandungan ay ginawa ko na lamang at aalis pa sana ito nang makiusap na naman akong h'wag n'ya akong iiwan sa kama. Tumabi nga ito hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.
End of Flashbacks:
"Ang g'wapo g'wapo mo talaga Ninong!" Kinikilig na sabi ko pa sa aking isipan. Nakayakap pa din ito sa aking beywang at noon pa man ay pinangarap ko na ito.