Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilan ang mapatingin sa mga kasama ko na pawang mga anak ata ng d'yosa at isang g'wapong lalaki. Dahil ang g'wapo talaga nila as in. "Hoy! Baka naman matunaw ang mga kapatid ko d'yan sa kaka-titig mo." bigla naman akong nagulat ng magsalita itong katabi ko na akala ko ay tulog kanina. "Kasi naman Mariz,parang ang buong angkan ata ng pamilya mo ay hindi uso ang salitang panget, bigla tuloy akong napa-isip kung bakit ba sumama pa ako sa in'yo dito." sabi ko sa kan'ya at tumawa lang ito sa aking sinabi. "Totoo ang sinasabi ko,kaya h'wag mo akong pagtawanan d'yan." kunwaring inis na sabi ko pa sa kan'ya. Ibang klase din talaga itong kaibigan kong ito. Seryoso naman akong nagsasalita dito,tapos bigla ba naman akong tatawanan. Hanggang sa tumigil ang k

