DARIOZ POV: NANG maihatid ko si Sierra sa campus ay dumiretso na ako sa presinto. Pagpasok ko pa lamang ay sumaludo na ang mga kasamahan ko sa akin. Alam ko naman na ang iba ay paggalang lamang dahil nakaka-taas ako sa kanila. "Sergeant Ramirez!" Tawag ko sa isa sa mga pinagkakatiwalaan kong kabaro na alam ko na kung sakali man na tumaas pa ang ranggo nito ay hindi ni aabusuhin ang kan'yang posisyon. Hinahangaan ko na noong pa man ang aking galing nito sa kan'yang trabaho. Kahit pa nga may kapit din s'ya sa isa pinakamataas na position sa kapulisan ay hindi s'ya kumapit dito para makuha ang position n'ya ngayon. Alam kong kabalikat ko ito sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng matalik kong kaibigan na si General Ramirez na uncle mismo nito. Ramdam ko na hindi ito namatay dahil sa

