"Wala naman po Ninong, nilalanghap ko lamang ang hangin dito sa loob ng bahay mo." Sagot ko kay Ninong na parang nagtataka pa s'ya sa sagot ko sa kan'ya. Iniisip na ata nito na baka may sapak na ang inaanak n'ya. "Ano pa po ba ang kailangan mo?" Magalang na tanong kong muli sa kan'ya. "Wala naman mamaya ko na lamang sasabihin." Sagot n"ya na parang gusto ko na tuloy itong taasan ng kilay. Naglakad na ito muli pababa sa hagdan at napapailing na lamang ako. Wala naman pala kasi itong sasabihin sa akin. Pumasok na ako sa loob ng aking silid at kumuha ng pamalit kong damit. Naalala ko na naman na wala nga pala akong bra,kaya siguro habang kinakausap ako ni Ninong ay palaging nakatingala ito at hindi tumitingin sa may kalakihan ko din na dibdib. Hindi man ito kalakihan,pero may ibubuga na

