ONE Week LATER Maaga akong gumising,dahil kailangan pa daw akong kausapin ni Troy ang pinsan ko na ama ni Drew. Ako na kasi mismo ang inirekomenda ni Zardo para pumalit sandali sa kan'y sa pagtuturo. Pinalipas muna namin isang linggo,bago ako papasok sa campus. Kaya naman isang linggo na din na si Sierra ay nakabalik sa university. Inayos ko ang aking sarili at simpleng t-shirt at pantalon lamang ang suot ko mamaya na ako magpapalit sa campus. Baka kasi mag-usisa pa si Sierra kapag nakita n'yang nakasuot ako ng pang-teacher. Mas maganda pa din iyong may factor kapag nakita n'ya ako sa campus at s'yang magtuturo pa sa kanila. Nang matapos ko na ayusin ang aking sarili, inilagay ko naman sa isang bag ang aking mga gamit para mamaya. Binigay na din si Zardo sa akin ang kailangan kong

