Agad itong kumilos at lumapit sa akin para ipainom ang tubig sa baso. Halos maubos ko ang laman nito na punong-puno kanina na nagkandatapon-tapon na nga. "Dahan-dahan naman sa pagkain Sierra, nabibilaukan ka na." Sabi ni Ninong na hinahaplos ngayon ang aking likod. "Okay ka na ba?" "Yes Ninong, okay na ako. " Nakahawak sa dibdib na sagot ko. "Next time kasi ay lunukin mo muna ang ibang nasa bibig mo,bago ka ulit sumubo ng ibang pagkain." "Opo." Tipid na sagot ko. Bumalik ito sa kan'yang pagkain. "NINONG, sa'yo po ba galing ang bulaklak sa kwarto ko?" Tanong ko sa kan'ya. Hindi agad ito sumagot dahil ngumunguya pa s'ya. Pinagmamasdan ko ito at nakakainis lang dahil maging sa kan'yang pag-nguya ay napakagwapo pa din nito. "Sa akin nga, nagustuhan mo ba?" Sagot n'ya ng malunok nit

