Nagising ako at lahat ng aking nakikita ay puro puti lamang. Nasaan ba ako? Pilit kong ina-alala ang nangyari sa akin. Hanggang sa maalala kong kausap ko si ninong kanina at tila nawalan ako ng malay kanina. Tumingin ako sa aking gilid at nakita ko si ninong na nakaharap sa akin ang mukha habang nakalagay ang ulo nito sa gilid ng aking kinahihigaan. Tila pagod na pagod ito base sa nakikita ko ngayon sa kan'yang napakagwapong mukha. Hindi ko na kasi napansin ito kanina nang kausapin n'ya ako. Puro kasi pag-iinarte ang ginagawa ko. Hindi ko man lang naisip na galing nga pala ito sa kan'yang trabaho. At maaring pagod pa s'ya. Hindi ko nga alam kung nakauwi ba ito kagabi. Napansin ata nito na gising na ako at bigla din nitong iminulat nito ang kan'yang mga mata. Ang mga mata na halata mon

