Habang pauwi ako ay iniisip ko pa din si Sierra. Med'yo traffic pa kaya gabing-gabi na talaga ako nakauwi. Malapit na ako sa bahay ng makita ko si Sierra na may lalaking kayakap. Dapat sa akin lang s'ya yumayakap at hindi kung kani-kaninong lalaki lang. Binilin ko pa din sa kan'ya na h'wag sasama o nakikipag-kaibigan sa isang lalaki,pero heto at aabutan ko s'ya na may kayakap ng ganitong dis-oras ng gabi. Nilulukob na naman ako ng selos ngayon sa nakikita ko. Bumaba ako sa aking motor at tinawag ito. Kita ko ang gulat na rumihistro sa kan'yang napakagandang mukha ng makita n'ya akong nandito na at mataman na nakatingin sa kanila ng lalaking kasama n'ya na hindi ko pa nakikita ang mukha,pero nang humarap ito ay mas nagulat ako. S'ya lang naman ang pamangkin ni apo ni Tita Fiona sa kan'y

