Habang nasa taas ang mga kaibigan ni Sierra ay hindi naman ako mapakali dito sa ibaba. Kaya naman naisipan ko ng puntahan sila. Mahigit dalawang oras naman na mula nang dumating kaya naman sulit na siguro iyon para maka-usap nila si Sierra. Nang sumilip ako ng bahagya ay nagtatawanan pa sila dahil na naman kay Drew. Malakas din kasi ang sense of humor ng pamangkin kong ito. Kaya naman ngayon ay napapatawa n'ya si Sierra. Paninibugho na naman ang aking nararamdaman ngayon. Dapat ako lang ang nakakapag-pangiti sa kan'yang lalaki. Kaya nagdesisyon na akong kumatok para malaman nilang nandito na ako at nakatingin lang sa kanila. Sinabihan ko silang magpapahinga na si Sierra at nagpaalam naman ang mga ito. Si Drew ay may balak pang makipagbeso-beso sa inaanak ko. Kaya naman napatikhim at tu

