Chapter 7

2185 Words
~ Lily ~ Tanghali na nang ako ay bumangon dito sa malambot na kama. Kahit na mukhang kakaiba ang itsura ng hinihigaan ko ay masasabi kong komportable naman ako. Mabuti naman at walang istorbo matapos kong makapasok sa loob ng kwartong ito. Nakaidlip lang ako saglit matapos kong makapag-shower, nagsuot ako ng sexy knitted croptop na kulay peach at black pekpek short. Ito ang feel kung isuot dahil wala naman akong balak lumabas ng kwartong ito. Ayokong pa maging muchacha ng lintik na tukmol na iyon. Lalo pa at kung makita ko man ang pagmumukha ni Dracula ay baka mas lalong sumama ang araw ko na kasing sama ng pagmumukha niya. Mabuti na lang at fully charged na ang phone ko kaya mabilis kong kinuha agad iyon. Tiyak nagtataka na sina Mommy at Daddy. “What the he ll?!" asar ko ng makitang walang kasignal-signal sa phone ko. Bwisit na umalis ako ng kama at naglakad patungo sa bintana. “Letche naman anung klaseng lugar ito at walang signal dito." Asar akong sumilip sa bintana. Pati ba naman ang bintana dito ay daig pa nakakulong sa hawla ng mga ibon. Kahit labag sa loob ay kailangan kong lumabas ng lungga ko para lang magka-signal. Dahil kapag walang signal rito sa lugar na ito ay magwawala ako. Hindi ako mabubuhay ng walang internet. Paano na ang buhay ko. Super hate ko pa naman ang maiwan sa mga latest fashion trends at chismis ng mga nonsense na tao, mapalokal man o international. Suot ko ang mabalahibo kong tsinelas na kulay white at gamit lang ng kamay ay sinuklay ko na ang napakaganda kong buhok na makulay. Pakiramdam ko ay isa akong fairy na mula sa gubat na ito dahil puro puno ang nasa kapaligiran ng buong castle ni Dracula. Taas noo akong naglalakad na akala mo ay rumarampa sa catwalk habang naglalakad sa hallway. Hindi ko pinansin ang ilang kasambahay na napahinto sa kanilang trabaho. Ang iba naman ay binigyan pa ako ng daan, hindi ko sila nginitian dahil fierce look ang kagandahan ko. Mabilis ang mga lakad ko hanggang sa makalabas ako ng napakalaking pintuan na mukhang ilang daang taon na ang katandaan. Kahit tanghali na at mataas ang araw ay malamig ang simoy ng hangin, saktong may nakita akong puno sa dulo at may upuan na kahoy mula roon na tiyak pahingaan iyon ng kung sino man na nilalang. Agad akong napangiti ng makita kong may signal na ang phone ko. Sunod-sunod na notifications ang pumasok at maraming text messages, phone calls at messages sa messenger. Hindi ko alam kung anu ang uunahin kong buksan dahil sa dami. Nakaka-isang tawag palang ako sa telepono ni Mom ay agad itong sumagot. “Mommy" “Oh my dear Princess! Mabuti naman at nagparamdam kana." Bungad agad ni Mommy. Napangiwi ako sa sinabi ni Mom. “Im sorry Mom, masiyadong napaaga po ang flight ko at hindi na ako nakapagpaalam. " “Oh it's okay my dear. Masaya ka ba ngayon sa lugar na pinuntahan mo?" “Ahh mmm. Dito po sa mmmm." Anu ba ang isasagot ko? Napakamot ako sa aking noo dahil hindi agad ako nakapag-isip ng isasagot sa mga ganitong katanungan. Bwisit kasi ang animal na Dracula na iyon. “Ohhh its okay kahit wag mo ng sabihin. Oh siya at tinatawag na ako ng Daddy mo. Enjoy your vacation my dear. Mommy loves you and your Daddy. Always take care. I love you." Napakabilis na salita ni Mom. “I love you both. Bye!" Agad naman nawala sa kabilang linya si Mom. Wow! Nakakapagtaka naman na wala pa atang limang minuto kami nag-uusap ni Mommy ay nawala na agad ito sa linya. Madalas ay abutin pa ng isang oras ang usapan namin kahit overseas lalo na kung galit ito dahil sa paglalayas ko ng hindi nagpapaalam sa kanila ni Daddy. Hindi man lang binusisi kung saang parte ng mundo ako nagpunta. Kakaiba iyon ahh. Hindi kaya alam ng parents ko na nakidnap ako ni gagong Dracula?! “Fvcking Hell!" asar na napabuga ako sa hangin. Ngayon ko lang na-realize ang mga bagay-bagay. Napatingin ako sa hawak kong cellphone nang mag-vibrate iyon. It's Alfred, my gay friend. Limang buwan na kami hindi nagkikita ng baklitang ito dahil nakapag-asawa na ng afam at kasalukuyan itong naninirahan sa Washington DC. He is my make up artist and hair stylist dahil may sarili itong beauty salon. My twin brother hated him so much dahil napakamaskulado daw nito at lalaking-lalaki ang porma at boses pero mahilig sa lalaki. Kaya palagi kong inaasar si Leandro kay Alfred kaya kulang nalang ay ilibing kaming dalawa ni frenny sa lupa kapag nagagalit ito lalo na sa akin. “Ahhh Ngayon ka lang nagparamdam Babe!" Malakas kong tili habang naka-video call kaming dalawa. “Hi Babe! Wow gumaganda ka ngayon. Never ka talagang pumanget. Bagay sayo ang hairstyle mo. Sana all !" kunwari pang nakahawak ito sa kaniyang bibig at gulat na gulat. Ako naman ay feel na feel na sinuklay ng mga daliri ko ang napakaganda kong buhok na kulay abo. Kasabay pa nun ang malakas at malamig na simoy ng hangin. “Ano ka ba babe! Wala sa vocabulary ko ang word na panget. Sa ganda kong ito." maarte kong nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa kaliwang tenga. Humalakhak lang ang bruha kong kaibigan. Napatagal tuloy ang chikahan namin ni bakla. Tawa lang ako ng tawa na parang palengkera. “Oh siya Babe I have to go. More chikahan tayo soon pagnakauwi na ako ng pinas." “Of course! Don't forget my favourite drink. More alak to come Babe!." nakangisi ko. “Makakalimutan ko ba naman iyon. Eh alam ko ang ugali mong mala-dragon" sabay irap nito. Natawa na lang ako. Alam na alam talaga nito ang ugali kong baliw kapag may topak. “Oh siya bye! Love you babe!" “I love you din Babe!!" malakas kong sagot. Ilan pang sandali ay nawala na ito. Sinuksok ko sa aking dibdib ang phone ko dahil wala lang trip ko lang. “Ahhh fvcking stupid demon!!" malakas kong mura dahil may isang nilalang akong nakabunggo pagkaharap ko. Kulang nalang kasi ay matanggal pati kaluluwa ko sa sobrang gulat. Ang walang hiyang si Dracula pala. “Sino kausap mo?" Parang batas na tanong ni Dracula sa akin. Napatikwas ang maganda kong kilay sa tanong nito. “At bakit ko sasabihin?" mataray kong sagot sabay halukipkip at patingala akong nakipagtitigan sa mukha nitong mala-impakto. Hindi porke nakayapak ako sa lupa ng gunggong na ito ay papasukin pati ang personal life ko. Hindi ko nga alam kung saang lupalop ng impyerno ito nagmula. “Is that your boyfriend?" “And so?" matapang kong sagot. “ Pwes, ngayon palang sasabihin ko sayo. Isa sa rules ko rito sa loob ng teritoryo ko ay ang ipinagbabawal kong may karelasyon ang kung sino man sa mga empleyado ko. Pwera nalang kung ikaw ay kasal na o may kinakasama at may mga anak." mariing pagkakasabi ni Dracula. Napaawang ako sa sinabi ng hudyo na ito. “Anung pinagsasabi mo?!" naguguluhan kong tanong. “Let's go to my office. We will discuss your contract." “Punyeta ka dami mong alam ..! Hoyyyy!!!" malakas akong napatili dahil hindi pa nga ako tapos magsalita ay walang pakundangan akong hinili ng impaktong ito. Mabuti na lamang at napahawak ang kaliwang kamay ko sa aking dibdib kung saan ko sinuksok ang phone ko para hindi mahulog. Kulang na lang ay tadyakan ko ito sa binti Pero mabilis ang flexes ni Dracula. Dahil hindi ako makagawa ng moves para saktan ang animal na ito. Para akong inahing manok na nagngangawngaw papasok sa loob ng castle nito. Napatigil sa mga ginagawa ang ilang kasambay at napatingin sa aming dalawa ni impakto. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari at ngayon ay andito na kami sa loob ng opisina nito na parang opisina pa ng mga royalty. “Yawa ka!" malakas kong singhal kay Dracula ng bitiwan ako nito. Hindi ito nagsalita bagkus ay naupo ito sa kaniyang mala-tronong upuan sa harap ng kaniyang napakalaking table. Sobrang daming libro ang mga nakapatong sa magkabilang dulo ng table at sandamakmak na mga working papers. Kung lilibutin ang ang kabuuan ng opisinang ito ay halos puro libro ang nasa paligid. Mukhang library ito at mukhang fanatic si Dracula. I shrugged my shoulders because it's still the same in our place. My Dad and my twin brother were the same. They're a book lovers. “Before you throwing tantrums Ms. Griffer. I just want you to know you should read your contract very carefully. Once you sign that, you can't go back." Mayabang na nilapag nito sa kaniyang table ang tatlong page ng contract. Napabuga ako sa hangin. T*ngna nito talagang naninigurado. Asar kong kinuha ang kontrata. Kunot noo pa ako dahil sobrang maliliit ng mga letters na nakatype. Anu to nagtitipid sa papel? Bwisit na bwisit ako habang binabasa ang mga nakasulat, talaga namang halos hindi ko na mabasa dahil sa sobrang liit kaya pinasadahan ko tignan ang kabuuang hawak ko at talaga pang back to back. Ang daming rules naman ata ng hinayupak na ito. Buti nakatiis ang mga kasambahay nito. Tinatamad ako basahin ang mga ito at wala akong panahon sa mga ganito. “Ako ba ay pinagloloko mo Dracula?" pabagsak kong nilapag ang kontrata sa harap mismo ni impakto. “Why? Tapos muna bang basahin ang lahat ng nakasulat sa kontrata? Wala pang two minutes na binigay ko sa iyo ‘yan. I told you should read it very carefully." Mapang-akit na ang boses ni Dracula. Pinaningkitan ko ang animal na ito. Para bang hindi ko gusto ang pananalita nito. “Then elaborate it ‘cause i don't have a fvcking patients for that useless contract of yours!" Napahalukipkip si Dracula at nagde-kwatro sa pagkakaupo. He just smirked staring at me. Fvck this man. “Mmm alright. I can tell you some basic of my rules. But you can still read the whole contract if you have time." Asar akong napairap dito. Daming alam ng animal na ito. “First, starting today you can't wear what you want. You have a uniform that you can make easily comfortable." “Ewan ko sayo." malditang kong sagot. “Lahat ng ipag-uutos ko ay susundin mo. Sa akin lang at hindi sa iba." mayabang na dugtong nito. “Gusto mo lang ako gawing muchacha Dracula. Alam ko na yang style mong bulok. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay susundin ko ang sasabihin mo." “Bawal gumamit ng mga gadgets habang nasa trabaho." pagpapatuloy nito at hindi nito pinansin ang pagyawyaw ko. “Letse" irap ko. “If i have a work outside you can take a rest." “Ambot!". “For now it's lunchtime, sign this before you go back to your room and change your uniform instead of that." pinasadahan ako nito sa buong katawan. “Kunwari ka pang gusto akong mapalit ng damit eh mukhang libog na libog ka naman!" asik ko rito. Imbes na mapahiya ito sa aking sinabi ay tumawa pa ang satanas sabay napadila pa. “Yes i love what you wearing it's very healthy in my eyes. But i don't want anybody see you like that." manyakis na sagot nito. “Manyakis ka gag0." sabay middle finger dito at akmang lalakad na palabas ng opisina nito ng magsalita muli ang impakto. “Hep hep! Sign this Ms. Griffer." Kahit nakakaasar ang pagmumukha ng impaktong ito ay bumalik muli ako sa harap ng working table nito at mabilis na kumuha ng sign pen at mabilis na pumirma. Hindi ko na kailangan pang basahin ang nonsense nitong kontrata. “Anu masaya na kaluluwa mo?" nakakamatay na irap ang ibinigay ko sa impaktong ito at tumalikod na. Mabilis ang mga hakbang kong makalabas dahil baka magsalita na naman ito at tuluyan ko na itong masakal ng matigok. Pagod kong nahanap ang silid ko dahil sa sobrang lawak at laki ba naman ng sinaunang castle ni Dracula. Nagtanong pako sa isang kasambahay dahil naligaw pa ako. “Whooh hayup!" hingal akong napaupo sa aking kama at ibinaba sa aking tabi ang cellphone. Napatikwas ang kilay ko nang mapansin ang nakabukas na closet. Wala akong natatandaan na binuksan ko closet na iyon. Pero bigla akong na-curious dahil parang kakaiba ang mga nakahanger doon. Tumayo ako para tignan ang mga mahahabang mga damit, o kung damit ba ang tawag sa mga iyon. “What the hell?!" Di ako makapaniwala ng hawakan ko ang mga iyon at agad na kinuha ang isang hanger. Kulay itim iyon na sobrang haba ng manggad at mukhang aabot sa talampakan ang laylayan ng dress na ito. Hindi! Dahil parang uniporme ito ng mga madre. “Yawa!" malakas kong mura. Kahit ayaw kong isipin pero mukhang tama ang nasa isip ko dahil itong hawak ko at mga nasa closet ay uniform ko. Ginagago talaga ako ni Dracula . Anung akala niya sa akin si Valak! Asar na asar akong inisa isa ang lahat ng iyon. Dalawa lang ang kulay, black and white. “Talagang inuubos mo ang pasensiya ko Dracula. Pwes humanda ka sa akin!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD