***Niva POV*** "HERE'S your coffee, sir." Malambing kong sambit at nilapag sa table ni Marcus ang kape nyang bagong timpla. Nag angat sya ng tingin mula sa laptop nya. Ngumisi sya at kumagat labi pa. "Thank you, sweetie." Aniya at kinuha ang tasa at humigop ng kape habang nakatingin pa rin sa akin. Tumaas naman ang kilay ko. "Mukhang ganado kang magtrabaho ngayon, ah." Nilapag nya ang tasa sa saucer. "Of course.. kasama na kita dito sa office." Nilahad nya ang kamay sa akin. Inabot ko naman yun at umilot sa table nya palapit sa kanya. Hinapit nya ako sa bewang at umupo naman ako sa kanyang hita. Dinampi dampian nya ako ng halik sa pisngi at leeg na may kasama pang pag singhot. Natawa naman ako ng mahina at yumakap sa batok nya. Unang araw ko ngayon ng pagbabalik dito sa of

