[❗ WARNING ❗ CLAUDIA SPG❗] ***Marcus POV*** "ANONG ginawa ni mommy sayo, princess?" Malumanay na tanong ko kay Daisy habang hinahaplos ang kanyang buhok. Kauuwi ko lang galing office at hindi magandang balita ang sumalubong sa akin pag uwi. Nagsumbong si papa na sinigaw sigawan ni Claudia si Daisy at sinaktan pa. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit sa asawa. Hindi ko akalaing makakaya nyang saktan ang anak namin. Tumingin sa akin si Daisy. Nakausli ang nguso nya at bakas sa mukha ang lungkot. "Mommy yelled at me, daddy. Kase po makulit ako.." "Ano pa ang ginawa nya?" "Niganun nya po ako.." Dinikit nya ang maliit na hintuturo sa sentido. "Ano pa, princess?" "Tapos.. nisabanutan nya po ang isang pigtail ko." Tumiim bagang ako at pumikit ng mariin. Kinuyom ko ang kamao. Parang

