***Niva POV*** ISANG linggo na ang nakakalipas mula ng ibalita sa akin ni Nanay Fely ang tungkol kay Tita Claudia. Pero wala pang paramdam si Tita Claudia at tahimik lang. Alam kong may pinaplano na naman sya kaya lagi akong handa. Si Nanay Fely ay pinag iingat ko din. Lagi na nyang kasama sa bahay sila Tiyong Isong at ang mga pamangkin nya. Si Ante Val naman ay lagi kong pinapaalalahan na huwag munang maglalabas kung hindi kinakailangan. Nakikinig naman sya sa akin dahil may trauma pa rin sya sa nangyari sa kanya. Pero hindi pwedeng lagi kaming ganito na may takot sa aming dibdib. Ngayong alam na ni Tita Claudia na ako si Vina ay siguradong babalikan nya ako. Siguradong hindi na nya ako bubuhayin. Kaya nakapag desisyon na akong sabihin kay Marcus ang buong katotohanan sa ugnayan namin

